"Parang Tayo Pero Hinde"

164 3 0
                                    

Parang tayo pero hinde

kasi di naman tayo nagmamadali

Dapat muna nating kilalanin maigi

ang isa't isa nang di tayo magkamali

Ngunit kung tayo'y magtawagan parang real couple

Pagsulyap natin sa isa't isa'y di maputol-putol

paalis na nga ako, pero ikaw, heto pahabol-habol

Ako naman, mga yakap mo, di ako makatutol

Saya ang nadarama  pag tayo'y magkausap

Para bang magkakilala na tayo sa isang iglap

Ang mahalin kita ang hiling mo sa mga bituing kumikislap

sana'y mawari ko rin na ikaw na nga ang pangarap

Oo nga't hindi pa talaga tayo

Tingin ko'y makakabuti naman ang ganito

May panahon pa naman para ating mapagtanto

Na sa mundong ito, itinadhana tayo

Wag ka lang sanang magsawang maghintay

Kaunting panahon pa sana'y iyong maibigay

Kailangan lang ng aking puso na tuluyang mapalagay

Nang aking tunay na pagmamahal sayo'y maialay

Sa ngayon, parang tayo pero hinde

Pero masaya ako na ika'y aking napapangiti

Malay mo paggising ko bukas di ko na maikubli

Na mahal na rin pala kita oh aking cutie! :D

TULAntadoWhere stories live. Discover now