Pas-Away-Trip

147 6 19
                                    

Dito sa wattpad kami'y nagkakila-kilala

Unang usap pa lang kami'y magkasundo na

Oo di pa man kami nagkita-kita

Pero turing namin sa isa't isa'y magkaibigan na

Pas-Away-Trip  naisip kong pangalan

Wala akong pakialam pangit man tong pakinggan!

Eh trip namin pasaway at wala kaming nasasaktan

I-vote nyo lang toh kung ako'y inyong pinapaboran

Takbuhan namin ang isa't isa sa tuwing may problema

Lalo na kung tungkol sa pag-ibig, kami'y todo suporta

Minsan nga ako'y humingi ng payo sa kanila

Jusme! imbes na bumuti, sitwasyon ko'y naging malala

Kaibigan nga sila..akala ko'y payo nila di makakabuti

sa puso kong sugatan at iniwang sawi

Pero aking napagtanto, nito lang bandang huli

na tama sila at ang iniisip ko'y mali

Mundo ng wattpad parang isang dagat

Mga tunay na kaibigan ay nagkalat

Tulad ng mga kaibigan kong aking ini-ingat

dahil  sa pagiging totoong kaibigan sila'y nakakaangat

Pas-Away- Trip, ngalan naming tatlo

Si Away na cute, ang sadyang pinakamagulo :D

Si Trip na maganda , sa pang-aasar di yan papatalo:D

Eh si Pas? wala lang! siya ang makulit na awtor nito >:D

This work is dedicated to harvy and mzshy..

TULAntadoWhere stories live. Discover now