Chapter Five - Swerte

1K 11 0
                                    


July 1 - Dalawang araw pagkatapos nang pagbisita ni Athena sa Foundation. Nag-uusap ang magkaibigang si Hope at Annie sa kusina ng Foundation.

Hope: Bes, nagtext ba sa'yo si Kuya Lyle? Dalawang araw na kasing di ko nakikita si Kuya.

Annie: Oo, magka-text kami kagabi. May inaasikaso lang daw siya.

Hope: Akala ko napaano na siya.

Annie: H'wag ka nang mag-alala bes, ok lang si Kuya Lyle.

Tumango si Hope at ngumiti pero sa kabila ng kanyang isipan ay hindi mawala ang kanyang pag-aalala kay Lyle.

Samantala sa bahay nina Lyle. Nag-uusap ang magkapatid na sina Lyle at Guile sa sala.

Guile: Ayos ka na ba 'tol?

Lyle: Medyo ayos naman na ako.

Guile: Samahan na kaya kita sa ospital?

Lyle: Ok lang ako 'tol. Baka napagod lang ako kaya biglang nanghina ang katawan ko kahapon.

Tumango-tango na lang si Guile.

Guile: Pahinga ka na lang muna 'tol. Bukas ka na pumunta sa Foundation.

Kinahapunan nang guminhawa ang pakiramdamdam ni Lyle ay pinuntahan niya si Hope para sa therapy session nila. Habang sakay ng kanyang bisikleta ay natanaw niya sa loob ng subdivision ang kumpulan ng mga tao na nakaharap sa isang pamilyar na bahay kay Lyle. Habang papalapit sa kumpulan ng mga tao ay natanaw niya ang mga kasamahan sa Foundation na umuosyoso rin.

Agad ipinarada ni Lyle ang kanyang bisikleta at lumapit sa mga kasama at nagtanong kay Vino.

Lyle: Bro Vino, anong meron at nagkukumpulan kayo dito?

Napalingon si Vino at ganun din ang iba pa nilang kasamahan sa Foundation. Si Bing ang sumagot.

Bing: Si Marvin 'yung classmate mo, magbibigti. Mabuti na lang inabutan ng nanay niya.

Nagulat si Lyle sa kanyang narinig sa kasamahan.

Lyle: Nasaan na si Pareng Marvin?

Bing: Nasa loob daw ng kanilang kwarto.

Natigilan sila sa kanilang pag-uusap nang may bigla silang narinig na sigaw nang pagmamakaawa. Si Aling Sonya ang ina ni Marvin. Nagmamakaawa ito sa kanyang anak na huwag nang ituloy ang binabalak nito.

Napalingon si Lyle sa direksyon ng isang tindahan at agad siyang nakaisip nang idea. Bumili siya ng isang boteng alak ng brandy at mabilis na pumasok sa bahay ng kanyang kaibigan na si Marvin.

Maraming tao sa loob ng bahay. Ang tantya ni Lyle ay mga Labing Lima. Mga kamag-anak, ilang kaibigan at kapitbahay ni Marvin. Lumapit siya sa pintuan ng kwarto ni Marvin at nasaksiyan niya ang kaibigan na nakasukbit ang lubid sa leeg nito. Walang kisami ang kwarto kaya ang isang dulo ng lubid ay nakatali sa pamakuan ng kisame. Nakatuntong si Marvin sa isang silya na plastic at sa kanyang mga hita ay nakayakap ang kanyang Nanay Sonya at isang tiyahin na umiiyak at nagmamakaawa.

Huminga ng malalim si Lyle at saka nagsalita.

Lyle: Pareng Marvin.

Umagaw nang pansin ang pag-entra ni Lyle sa mga tao na nasa loob ng kwarto. Kahit ang kanyang kaibigan ay natigilan rin.

Lyle: Itagay na lang natin 'yang problema mo. Pag-usapan natin, baka makatulong ako.

Umiiyak na sumagot si Marvin.

Marvin: H'wag kang makialam dito pare, problema ko 'to. Wala na akong pag-asa.

Lyle: Pare, kilala kita... mahal na mahal mo ang mga magulang mo at pamilya mo. Alam ko rin na mabuti kang tao pare. Tanda mo paba, pagkatapos natin dati magbasketball nag-iinom tayo at magyayabangan kung sino ang madaming na-score?

My Love for China Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon