Chapter Six - First Goal Completed

948 15 2
                                    

September 1- After two months. Isang araw ng Sabado. Nag-uusap si Annie at Lyle sa isang kwarto ng Foundation.

Annie: Nagtext na si Hope sa akin kuya, hindi raw siya makakapasok ngayon. Masama raw ang pakiramdam niya. Bakit kasi hindi na lang ikaw ang magtanong kung anong nangyari, kung bakit wala siya ngayon?

Lyle: Wala kasi akong load.

Annie: Asusss!... Last time nang may sakit ka pinatext ka rin sa akin ni Hope. Sabi ko bakit hindi na lang siya ang magtext sa'yo.

Ngumiti lang si Lyle.

Lyle: Basta dalawin na lang natin siya mamaya.

Annie: Mukhang nagkakaigihan na kayo ni Hope kuya ah? Tapatin mo nga ako. Ano na bang status 'nyo?

Lyle: Status? Syempre "Boy Bestfriend" at kuya niya ako.

Annie: Kayong dalawa talaga masyado kayong pa-showbiz. Si Hope ang sagot sa akin ganyan din. Nag-uusap siguro kayo?

Lyle: Sa'yo pa ba kami maglilihim?

Annie: Sige na nakumbinsi 'nyo na ako kuya. Pero teka, naamin mo na ba kay Hope ang totoo?

Umiling ang binata.

Annie: Kailan mo ba balak aminin kuya?

Tumingin si Lyle sa direksyon ng bintana at nang makapag-isip ay saka siya sumagot.

Lyle: Hindi ko pa alam. Humahanap pa ako nang tamang tyempo.

Annie: Kung ako si Hope tapos nalaman ko na may tinatago ka palang lihim sa akin, magagalit ako sa'yo kuya. Kasi ang tagal na nating magkakilala, naglilihim ka pa rin sa akin.

Napaisip si Lyle sa narinig kay Annie nang biglang sumabat sa kanilang usapan si Athena na dalawang weekends na nagbo-volunteer sa Foundation.

Athena: Anong sikreto 'yon Kuya Lyle? Siguro totoo ang hinala ko.

Nagkatinginan si Lyle at Annie. Nahalatang nagulat sa biglang pagsabat ni Athena.

Annie: Bakit ano ba ang hinala mo sis?

Athena: Nakapatid ni Kuya Lyle si Kuya Ryle. Ayaw ipaalam ni Kuya Lyle dahil malaki ang naging kasalan niya sa kanyang kuya dati ng buhay pa ito.

Nakahinga nang maluwag si Lyle at sinakyan na lang niya ang hinala ni Athena.

Lyle: Oo kapatid ko nga si Kuya Ryle at nag-request ako kay Pastor na h'wag na lang ipagsabi kahit kanino.

Athena: Sabi na nga ba eh! unang kita ko palang sa'yo 'non naghihinala na ako. Sa dalawang linggo na pagbo-volunteer ko dito, si Kuya Ryle ang nakikita ko sa bawat kilos at salita mo... Ang daya mo talaga Kuya Lyle.

Annie: Namatay kasi ang kuya niya na hindi man lang siya naka-uwi. Kaya pagnaiisip ni ni Kuya Lyle ang kuya niya ay nalulungkot siya.

Athena: Ako rin naman, nalulungkot pa rin hanggang ngayon pagnaiisip ko si Kuya Ryle. Bestfriend ko kaya 'yun.

Annie: Uy! (Pumormang bumaril kay Lyle) Parang kayo rin pala ni Hope Kuya Lyle, magbestfriend. Hahaha, mukhang bestfriend material talaga kayong magkapatid ah?

Athena: Mukha nga.

Lyle: Request lang Thena (Athena), h'wag mo na lang ipagsabi kahit kanino ang connection namin ni Kuya Ryle, Specially kay Hope. Kung pwede rin, huwag mo munang babanggitin kay Hope ang pangalan ni Kuya.

Napakunot ang noo ni Athena sa narinig kay Lyle, pero umayon na rin ito at hindi na nag-usisa pa.

Kinahapunan pagkatapos nang duty nina Lyle sa Foundation. Agad silang pumunta ni Annie sa bahay nina Hope. Bitbit ang isang bugkos ng sari-saring uri ng mga bulaklak na pinitas sa hardin ng Foundation. Nang dumating sila sa tapat ng gate ng bahay nina Hope ay agad silang nag-door bell. Wala pang sampung segundo nang lumabas ang tita ni Hope at nakangiti ito sa kanila at pinagbuksan sila ng gate. Nang makapasok sila sa gate ay agad kinumusta ni Lyle si Hope.

My Love for China Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon