Chapter 4
Bakit parang may humihikbi? Teka bat ang dilim at asan ba’ko? Ay tanga. Tanga mo Allen itatanog mo pa. Malamang madilim kasi nakapikit ka. At tsaka asan ka? Hindi mo ba natatandaan na sabi ni Red dadalhin ka niya sa ospital dahil sobrang sakit ng ulo mo? Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko kagad ang mukha ni Choo. Bakit siya umiiyak?
“H-hey.” Bati ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sakin. Bahagya pang nagulat at niyakap ako ng mahigpit. Ano na naman bang dahilan kung bakit umiiyak ang isang to. Sumakit lang naman ulo ko ha makaiyak kala mo. May pagka-OA talaga tong si Choo eh.
“Hey, Why are you crying?” Hindi siya sumagot hinigpitan lang niya lalo yung yakap niya sakin at lalong lumakas yung iyak niya. Itinaas ko ang mukha niya at ipinantay ko sa mukha ko then I kissed all the tears away from her face.
“Stop. Shh. Kung makaiyak ka naman kala mo patay na’ko-“
“SHUT UP ALLEN! You’re not going to die!”
“Choo-“
“Hindi! Hindi pwede! Hindi ka p-pwedeng mawala sakin! Inaway ko na nga yung lecheng si A-alice tapos may kalaban pa pala a-ako.” Patuloy niya sa sasabihin niya. Hindi ko na siya maintindihan. Iyak na siya ng iyak yung parang hindi na makahinga. Nasasaktan akong makitang nasasaktan siya. Pero anong dahilan? Umayos ako ng upo at pinunasan ulit ang mga luha niya gamit ang labi ko.
“Shh. Stop. Hindi kasi kita maintindihan choo. Anong pinagsasabi mo?” Pero patuloy pa rin siya sa pagiyak.
“Hey. Look at me.” Tumingin naman siya sakin pero hindi pa rin tumitigil ang pag iyak niya. “Why are you crying?” ulit kong tanong.
“Hindi ka pa mamatay diba? Hindi mo naman ako iiwan choo diba? Mag-promise ka!” Sabi niya na gumulo sa utak ko. Ano bang pinagsasabi neto.
“Ano bang klaseng tanong yan? Hindi pako mamamatay okay? And I’m not going to leave you. Promise yan. Bat ka ba iyak ng iyak?”
“K-kanina kasi.. K-kanina nung dinala kita rito sa ospital. T-tinanong ako agad ng doctor kung anong nangyari sabi ko hinimatay ka dahil sobrang sakit ng ulo m-mo tapos he checked you up and nagtanong sakin ulit if lagi daw bang ganon sabi ko oo kasi napapansin ko naman talaga tas nagtanong pa siya ng kung ano ano s-sinagot ko naman. Hindi ko na lahat maalala kung ano yung tinanong niya tas pinalabas na’ko habang ti-ne-test ka tapos paglabas niya.. p-paglabas niya-
“Paglabas niya?” Kinakabahang tanong ko.
“He said that kelangan ka daw d-dito muna kasi natrigger daw nila na-.” Hindi niya napagpatuloy ang sasabihin niya dahil umiyak ulit siya. Patuloy lang siya sa paghikbi at ako naman ay kabadong hinihintay siyang magsalita ulit.
“Na? Choo, sabihin mo na ano yun?”
“Na may l-leukemia ka-“
Napatigil ako. L-leukemia? You’ve got to be kidding me!
“Kaya pala lagi nalang akong may nakikitang pasa sa katawan mo and lagi ka na lang nahihilo. Choo hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka.” Patuloy na sabi ni Choo.
“W-what? No. It can’t be Choo ang lakas lakas ko kaya!” Pinakita ko pa yung muscles ko sa kanya para siguraduhin na malakas talaga ako. Pero hindi pa rin tumigil ang pag iyak niya. Fuck pano ko ba papatigilin to? I don’t want to see my universe like this, hurting and crying.
“Listen Choo. I’m not going to die ok? If it’s true na may ganung sakit nga ako I’m going to deal with it. I can and I will survive so don’t worry about it? Wag ka na umiyak okay?” Mahinang paliwanag ko sa kanya. Pahinto ng pahinto na ang pagiyak niya at tinabihan ako sa paghiga. I hug her and kissed her shoulder tas pinatong ko yung chin ko sa shoulders niya.
