It's You - 5

13 0 0
                                    

Alliana's POV







Ito nanaman ako maagang nagising gawa ng malalakas na katok ng baliw kong kaibigan, 'sya lang talaga ang nakakasira ng araw ko sa totoo lang.




"Good morning prenny!" Masiglang bati nito, "Share mo nga sa akin kung 'san ka nakakakuha ng ganyang energy para mambuysit." Inis kong sagot ko at tinalikuran ko 'sya. Ka-aga-aga jusme naman!







"Wala hehe! palagi naman akong may energy prenny, tsaka hindi kita iniinis." She replied, all smile pa ang gaga.







Hindi ko nalang pinansin at deretsong naligo nalang, hindi naman ako napuyat kagabi, konti lang kasi ayaw pa akong pauwiin nung magkapatid kaya ayun naparasap kwentuhan namin. Napadpad din ang usapan namin tungkol sa kondisyon ko at sinabi ko na matagal na akong nag-stop mag therapy for Agrophobia ko kasi ayoko lang mag sayang ng oras at panahon, sinabi ko din naman kila Mom na kaya ko namang ayusin ang sarili ko kahit wag na nila ako ipa-check. And also kuya Ritch gave me some advices about self-confidence.






Sabi 'nya naranasan 'nya din daw ito pero naniwala 'sya sa sarili 'nya at umasang makakaya 'nya lahat at naging ok naman daw ang resulta pero feeling ko hindi eepekto sa'kin 'yun haha! nahihirapan akong mag salita sa harap ng madaming tao, kaya din gusto akong sanayin ni Dad na humarap sa mga friends nyang business people pero wala pasaway ako, palagi akong tumatakas at hinahayaan na lang nila ako.







Agad akong nag-ayos ng sarili at nag-aya na papuntang school, ang bruha kong kaibigan tutok na tutok sa phone 'nya kulang nalang ipasok 'nya yung sarili 'nya sa screen 'eh, sasakyan ko ang gamit namin ngayon dahil nag taxi lang 'sya papunta sa'kin dahil hiniram ng kuya 'nya ang sasakyan 'nya no choice 'sya haha!







Tiningnan ko ulit si Anne, yung hitsura 'nya yung mukhang hindi mo pwedeng istorbihin. Ano naman kayang pinag-sasayangan 'nya ng oras ngayon.







"Hoy! Ano naman yang pinag-gagagawa mo?" Tanong ko dito, malapit na kami sa school. "Uhhh, wala naman prenny may nititingnan lang ako hehe!" Sagot nito pero syempre hindi ako naniwala, "Titingnan, 'eh kanina ka pa dyan halos yung mata mo parang hindi na mai-alis dyan sa phone mo!" Reklamo ko dito.







"Ito namang prenny ko, promise may tinitingnan lang ako." Pag a-assure nito. "Whatever you say." I replied, mukhang wala naman akong makukuhang sagot sa kanya.







Agad kaming pumunta ng building namin at pumasok sa room, maaliwalas naman ang pakiramdam ko dahil walang mga alagad ni satanas na nakapalagid sa akin. Si Anne naman ayun kaharap nanaman ang phone 'nya, ano bang meron?







Agad kong nilabas ang phone ko, check ko nga anong meron.







Wala namang kakaiba maliban sa group message ng strand namin na ang pinag-uusapan ay kalandian at hindi na ako para makisali sa kanila and panigurado ang topic nila yung anak ng may-ari nitong school, duh! kayo nalang. Center of attention 'sya ng lahat pero ok na 'yun kesa ako diba?







It's You Where stories live. Discover now