Chapter 1

436 47 4
                                    

Chapter 1


"She used to be my star, a beautiful one yet unreachable."

SAMANTHA'S POV

" Samantha, c'mon join us! " , pang aalok saakin ng matalik kong kaibigan na si Whayne. Itinaas niya ang kanyang kamay at sinenyasan niya ako na pumunta sa dance floor at sabayan ang gig niya. Kitang kita na sa itsura niya kung gaano na siya kalasing habang nakapalibot pa ang braso niya sa balikat ng isang lalaki. Nako!

May panibago na naman siyang nabingwit na lalaki. Araw araw siguro iba iba lalaki nito. Kung bibilangin siguro yung mga lalake niya, nako, aabot talaga ng lampas isang daan. Di ko sinasabing marupok siya pero parang ganun na nga!

" Coming! " , sa sobrang lakas ng sound system, nilakasan ko ang boses para marinig niya. 

Minsan napapaisip ako na bumitbit ng megaphone para mangibabaw boses ko....pero baka hindi na ako makabalik dito kapag ginawa ko yun so no. Eto pa naman ang tambayan ko kasama mga tropa ko sa tuwing nagwawalwal at nagkakayayaan.

Tumayo ako sa kinakaupuan ko at itinaas ang isa pang glass of champagne, for the last time, I took a shot. Napabuntong hininga ako sa sobrang dami na ng nainom ko.

Kumuha ako ng isang kaha ng sigarilyo at sinindihan ang dalawang sigarilyong hawak hawak ko sabay hinithitan ito.

Habang naninigarilyo ay napamasid ako sa buong paligid. Umaapaw ang tugtugan and the lights were like dancing flames.

Hiyawan doon, hiyawan dito.

Mga katawang walang tigil kakagiling. Siksikan na sa dance floor na para bang nasa concert lang. Yun nga lang, dito may laplapan na nagaganap. Dito, walang pake-pake. Basta masaya ka, go lang.

This is my life. Welcome to my world. Fun, right?

Ako nga pala si Samantha Kyle De La Vega. Isa akong tomboy

Apat na taong gulang pa lang ako nung iniwan ako ng sarili kong nanay. Lumaki ako with my dad at ang mokong kong kapatid na lalake, na mas bata sa akin. Sa family namin, walang babae kaya siguro lumaki ako na sa bawat galaw at panunuot ko ay panlalaki.

Ako yung tipong tao na siga kung kumilos, matapang na kahit anong trabaho(panglalaki man yan o hindi), kaya kong trabahuhin, at palaban sa lahat ng bagay. Hindi ako mahinang tao.

Sa aking panunuot, hindi ako mala-stylish ang dating at tadtad ng make up ang mukha. May sarili rin akong style of wearing clothes.

Makakapal na checkered long sleeves at maong pants, sapat na yan saakin. Idagdag mo na rin ang pigtail kong buhok at paglalagay ko ng itim na lipstick.

Diba, ang astig ng style ko?

Hindi naman sa pagmamayabang pero nakakapagtaka lang kasi kahit ganito ako umasta, walang tigil pa rin ang pangungulit ng mga lalaki saakin. Pati kapitbahay namin sa subdivision, di nagpatalo.

May mga times nga na pagdating ko ng bahay, may bulaklak at tsokolate akong maabutan sa lamesa. Sinasabi saakin ni dad na galing sa pangalang ganito, ganyan.

Kahit anong pagtanggi ko sa kanila, ayaw nilang tumigil. Pero alam ko naman sa sarili ko na kahit anong mangyare, HINDING HINDI ako magkakagusto sa isang lalaki.

Isa akong tibo. Lumaki akong tibo at mamamatay akong tibo.

" Finally, you're here!! Own the night, Sam! Isayaw mo na yan! " , banggit niya saakin na may pagka hype sa tono ng boses niya. Mukhang napadami na naman inom ng babaeng to.

Less Than Three[On Going]Where stories live. Discover now