Denmark's Pov,
Naglalakad ako ngayon, may pupuntahan ko kasi yung gf ko dun sa kabilang room, papasok na sana ko pero may nakabunggo sakin isang matabang nerd tsk kaya natumba kami napaibabawan nya ako at na tulala pa "Hey miss okay ka Lang?" tanong ko sa matabang nerd pero mukhang wala syang narinig "Uyy panget baka gusto mong umalis sa pagkakapatong sakin di ka magaan" Sabi ko kaya dali dali syang umalis sa pagkakapatong sakin.
"Pasensya na nasaktan ka ba?" tanong ng nerd na to.
"Huwag ka kasing pa tanga tanga" sabi ko tsaka umalis na para pumunta sa gf ko.
Habang naglalakad ako nakita ko yung gf ko na palabas na ng room.
"Hi babe, kamusta first subject nyo? Napagod ka ba?" pa sweet kong tanong dito.
"Oo babe hayyst andami dami na agad na gagawin. Halika na nga nagugutom na ko Libre mo ko ha?" nakangiti nitong aya sakin "Oo naman babe hahahaha ikaw pa ba" sabay kiss sa noo nya Kaya naghiyawan yung mga kaklase nya hahahaha kadiri. "Halika na, akin na yang bag mo" inabot nya naman agad.
*Fast Forward *
Nung matapos kami kumain nung gf ko kuno, nagpunta na ko sa tambayan ng tropa at naabutan ko na nandun na si Klyde "Oy pre nasan na yung iba" tanong ko sakanya "baka papunta na yung mga yun, baka na traffic sa mga chix Dyan" natatawa nitong sagot hahahaha gago talaga. Habang tumatawa kami nagsidatingan naman na agad yung iba pa na sila Carl, Neil, at Mark.
"Denver ano kelan mo hihiwalayan yung gf mo na si Trixie?" natatawang tanong ni Mark
"Oo nga pre, lampas isang buwan na kayo ha isang buwan lang ang usapan" sabat naman ni Carl
"O baka naman walang balak hiwalayan ni Lover boy si Trixie hahahaha baka na inlove na" natatawang dagdag ni Neil "Totoo pa yun pre?" natatawang tanong ni Mark at Carl mga gunggong talaga, kelan ba ko na inlove ng seryoso sa babae? Pustahan lang naman lahat ng nakarelasyon ko eh at the end of the day makikipaghiwalay din ako sa babae na pinagpustahan namin "Mga gago syempre hindi no, tong Casanova na to? Magseseryoso? Sa panaginip lang yun mangyayari hahahaha" natatawa kong sagot mga tanga ba naman "Pagtapos ng pustahan na to, may susunod ulit ayus ba yun Denver?" tanong ni Neil "Oo naman, Ano naman pustahan ngayon?" tanong ko nagkatinginan silang tatlo "Yung kotse ko, nakita mo yun?" turo nya sa kotse na kulay pula hmm pede na din "Yun ang ipupusta namin" sagot ni Neil "Sige deal, sino naman pagpupustahan?"
"Si Sam, yung matabang nerd na matalino, gusto namin paiyakin mo sya ng sobra" natatawa nilang sagot hahahaha ang dali lang naman pala eh "Ano ba itsura nun?"
"Ito oh, yan sya" sagot ni Carl tsaka inabot yung cellphone nya kinuha ko naman tsaka ko tinignan, nagulat pa ko nung makita ko kung sino yung nasa picture. 0_0 Sya yung nakabangga ko kanina ha? "Bakit parang nagulat ka pa, kilala mo ba yan?" tanong ni Carl
"Hindi nakabangga ko Lang yan kanina, hahahaha papaiyakin lang ba? Ang Dali naman" natatawa kong tanong
"Oo nga Niel hirapan mo naman hahaha" tignan nyo pati si Mark sangayon sakin
"Ang tanong kasi dyan bro kung mapapaiyak mo ba si Sam pa lang challange na kasi di basta basta nahuhulog yun" sagot ni klyde
Talaga lang ha? tignan natin pag ako ang sumubok, tignan natin kung di kita mapapasagot at Di mapaiyak humanda ka sakin Hahahaha.
"Bakit nakangisi ka dyan bro?" tanong ni Carl
"Wala bro bukas na lang uuwi na ko" paalam ko
"Sige bro ingat sila sayo"
"mga gago" sabay taas ng middle finger
Pagkaalis ko sa tambayan sumakay agad ako sa car ko tsaka ko to pinaharurot ng mabilis pauwi sa bahay, kailangan ko ng mahabang tulog para sa gagawin ko bukas ano kaya magiging reaksyon nya? Hahahaha excited na ko ampanget siguro ng reaction nun.Pagdating ko sa mansion bumaba agad ako at pumasok "Manang wag nyo ko gigisingin kapag dumating sila mom and dad sabihin mo pagod ako"
Pag akyat ko sa kwarto naligo na agad ako at humiga sa higaan "Humanda ka sakin bukas nerdy girl" Sabi ko sabay pikit ng mga mata.~To be continue~
YOU ARE READING
The Nerdy girl revenge. (SLOW UPDATE)
ContoMay isang babaeng nagngangalang Samantha, na nagaaral sa Saavedra International School. Na pagmamay ari ng kanyang mga magulang. Isa syang Nerd, mataba, at palaging nagiisa. Makikilala nya si Denmark na bibihag sa kanyang puso para sya lamang ay sak...