Chapter 15:
(Reymilyn P.O.V)
Napag-usapan namin ni Sebastian na 3:40 sharp kami magkikita .. Psshh , Sharp talaga ang laging gusto nila . Phew ..
Dahil lagi akong early bird . 3:30 palang pumunta na agad na ako dito sa usapan naming convinience store ..
Hmmsss . Nag-ikot ikot na ako sa may store , naghahanap ng pwedeng bilhin ..
Kasi sabi ni Sebastian , 2 hours daw biyahe papunta doon ehh . Nako , ewan ko ba duon ? Bakit kase kailangan pang duon sa malayo , eh marami din naman ganun na malalapit lang .
Tsss .. Jusme lang ..
Kumuha na ako ng mga chips (v-cut , piattos , cheese ring at chicharon ni mang juan)
kumuha nadin ako ng maiinom 7 na zesto LANG .. Mahirap na baka mabulunan ehh
Pagkatapos ko gawin yun pumunta nadin ako agad sa may counter .. para mabayaran na yung pinamili ko mahirap na , baka sabihan pa akong shop lifter dito ..
"Good Afternoon ma'am " bati sa akin ng Cashier , pagkatapos sinwipe nadin niya yung mga pinamili ko
"142.75 pesos po lahat" sabi niya , kumuha naman ako agad ng 200 pesos sa wallet ko
"57.25 pesos po yung change" sabi sa akin ng cashier , kinuha ko naman yung sukli ko at yung paper bag ko .. Nginitian ko naman yung cashier bago umalis
- - - - - - - -
After 10 minutes
3:40 sharp naandito na si Sebastian , yeah sharp talaga ! Lagi naman ganun ..
Kumaway naman siya sa akin sa labas ,.. tumango naman ako at agad na nagtungo doon..
"Ano tara na ?" bungad niya sa akin .. Tsssss .. Di man lang Good Afternoon yung itanong .. Bakit kailangan pa talagang yun agad ang bungad ?
Medyo nakakadismaya kaya ..
Tumango naman ako sa kanya at agad na pumasok sa backseat ng kotse niya ..
Hmmmm .. Halatang bago pa ang sasakyan dahil sa amoy neto ..
Tapos maaamoy mo din yung scent ni Sebastian .
Napagitla naman ako ng mapansin kong di pa umaandar yung kotse .. Tinignan ko naman si Sebastian na nakasalukayang Nakatayo padin sa labas ..
Binaba ko naman ang windshield ng sasakyan nito ..
"Bakit nakatayo ka pa diyan ? Sayang ang oras oh" sabi ko naman sa kanya ..
"Eh kasi naman , bakit sa likod ka nakaupo ? Ano yan gagawin mo akong driver mo ?" tanong niya sa akin
"Pwede , kung gusto mong maging driver kita" sabi ko tapos ngumiti ng nakakaloko
Kahit naman na nerd ako noh ! Ginagawa ko din yung mga ginagawa ng normal na tao ..
Wala naman kasing pagkakaiba ang nerd at ang normal na tao , sadyang pinupuna lang kami ng mga tao na mapangmataas ..
Tinignan naman ako ni Sebastian ng Seryosong mukha , kaya tinaas ko na yung windshield at lumabas nadin ..
Agad naman din akong pumasok sa Front seat at si Sebastian naman pumasok na sa Driver Seat
Bago ako magseatbelt , kinuha ko muna yung chichirya kong Chicharon ni Mang juan ..
"You are not allowed to eat that kind of junk food in my car" sabi naman ni Sebastian
"Why not ? I'm hungry" sabi ko naman sa kanya
BINABASA MO ANG
My Sister LOVES My Boy
Teen FictionMy Sister Loves My Boy .. - Istorya ito tungkol sa dalawang magkapatid na nagkagusto sa iisang lalaki . - Paano ba ang magiging takbo ng istoryang ito . May magpaparaya ba o parehas silang lalaban para sa minamahal nila ? Mayroong bang susuko o ta...