Is this true ?

14 4 0
                                    

Chapter 21 :

(Reymilyn P.O.V)

  ... krriiinngg .. krriiinngg ...

Tunog ng Cellphone ko ..

.. calling .. Kuyang Imbestigador

K.I. : Hello Ma'am Reymilyn

Me : Yes ? Anong sadya mo ?

K.I. : Ma'am kilala ko na po yung pinapahanap niyo .. Sinend ko po thru E-mail yung pictures niya , then yung iba pang information ..

Me : Nice Job Kuya ! Isesend ko nalang yung full payment sa account mo . Hintayin mo nalang ah .. May karagdagang bayad ka pa sa akin kasi di ko inaasahang ganito ka kabilis magtrabaho .

K.I. : Salamat po ma'am .

Then I ended the call ..

Agad naman akong nagtungo sa laptop ko ! Na may ngiti sa labi ko .

This is it makikita ko na siya , magkikita na kaming muli ..

Pagkabukas ko sa laptop ! Agad na nanlaki ang mata ko - - -

Is this true ? Siya ito .. Siya ang matagal ko ng hinahanap .. I can't believe it .!

Yung hinahanap ko , matagal ko na palang nakakasama . Araw-araw ko pang nakikita ..

Patuloy lang ako sa pagtingin ng mga information tungkol sa kanya ! Ang tagal ko talagang nawala .

Nang sa tingin ko tama na yung nabasa ko ! Bumaba na ako , hms . Magdi-ditch nalang siguro ako ng class ..

Kailangan ko pading pumasok , kasi kahit wala si daddy dito ! Lagi parin siya nagpapareport sa mga maids tungkol sa nangyayari sa akin ..

What time ako umuwi ! Anong oras ako pumasok . Lahat , ewan ko ba ? Utos kasi ni Mommy yun ehh .

- - - -

At School Field

Haayyy , di ko namang gawaing mag ditch ng class .

Kaso gusto ko mapag-isip !

Di kasi mag sink in sa utak ko , na siya talaga yon . Di talaga kapani-paniwala .

Pero bakit naging ganun siya ?

Siguro kasalanan ko din yun . Kasi iniwan ko siya without saying goodbye !

Haayy , Pero bakit di niya ako nakilala ? siguro sa mukha di niya ako makikilala . Pero diba mahal niya ako ?

So dapat na aalala niya ako ! Kung di man makita ng mata niya sana naman ng puso niya .

Umubob nalang ako sa tuhod ko ..

Tapos yung kaninang pinipigilan kong luha , pumatak na ngayon ..

"huhuhuhuhu" iyak ko .

Buti nalang ako lang yung nandito , kung hindi nakakahiya ..

Hayy . May vacant pa pala kami ! So mamaya mawawala na din yung maga ng mata ko ..

Nang sa tingin ko wala nang luhang papatak sa mata ko ! Pinunasan ko na yung mga luha sa mukha ko ., pati nadin yung sipon na tumulo .

Nang mahimasmasan ako , uminom na ako ng tubig .. Siguro matutulog nalang ako , makapunta na nga lang sa clinic ! Kunwari masama nalang pakiramdam ko .

- - - - -

At Clinic

"Ano pong karamdaman mo?" tanong ng nurse sa clinic

"Masakit po kasi yung pakiramdam ko eh" sabi ko naman sa nurse

"Ahh . Sige , mahiga ka muna sa isa sa mga bed diyan ha" sabi naman ng nurse

"Thankyou po" sabi ko naman dito . Pagkatapos pumunta nadin ako sa pinakadulong kama .

Inayos ko na din yung kurtina , yun lang kasi naghihiwalay sa mga kama dito ..

Hayy . Kailangan kong magpahinga , kundi maga padin yung mata ko !

....zZZZzzZZzZzZ...

- - - - -

*alog* *alog* *alog*

Nagising naman ako dahil sa pag-alog sa akin !

Pupungas pungas naman akong tumingin sa taong iyon ..

Kinusot kusot ko naman yung mata ko , dahil doon nakita ko naman si Abbigail ..

Umayos naman ako ng upo !

"Bakit bestty?" I asked

"Di ka naman nagtext bestty , pinag-alala mo ako ! Alam mo ba yun ?" sabi niya sa akin in a worried tone

"I'm sorry bestty" sabi ko naman dito .

"Dapat nagsasabi ka sa akin o kaya itext mo ko pag naulit yan ha." sabi niya sa akin ..

"Opo next time ! Magsasabi na ako" sagot ko naman dito .

"Dapat lang ! Tara kain na tayo ha" sabi niya sa akin ..

Teka ? Break ngayon . Tapos kakain kami sa cafeteria .. Kaya ko na kayang makita siya ?

"Ano tara na ! Dali , tumayo ka na diyan" sabi pa ulit niya sa akin at hinila ako patayo .

Hayyy . Do I have a choice ?

Pero ang tanong kaya ko na bang makita siya ?

My Sister LOVES My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon