Shopping

17 4 0
                                    

Chapter 22:

(Abbigail P.O.V)

Yay ! Napapayag ko si bestty na mag shopping ngayon .

Wala naman kasi kaming homeworks ngayon .

Tiyaka ang maganda , di KJ ngayon si bestty ! Nako naman kasi , pag ganito kasi lagi siyang KJ .

Ewan ko ba kung bakit hate niya ang Shopping . Minsan nga nagduda na ako kung babae bang talaga si bestty .

Oyy . Shhh lang kayo ! Nako baka magsumbong kayo sa kanya , instant batok abot ko sa kanya .

Hmms . Anong shop pa ba ang di namin napupuntuhan ?

Oh em . Yung Forever 21 . May latest design na daw silang nilabas , nakita ko kagabi sa internet .

Kailangan ko yung makuha ! Whatever happens . Nag-iisang design lang yun ngayon . I Hope na sana wala pang nakakabili non .

Agad ko namang hinila si bestty papuntang Forever 21 ..

*takbo* *takbo* *takbo*

Whoooo . Sa wakas nakarating na din ako dito .

Tentenen Forever 21 .! [a/n : insert confetti , with matching palakpak]

"Bakit mo naman ako hinila papunta dito ! Di ba pwedeng lakad lang ang gawin natin" angal sa akin ni Reymilyn .

"May bibilhin kasi akong latest na damit ng forever 21" sabi ko dito

"Ano ka ba ! blah blah blah" di ko na pinansin yung sinabi ni Reymilyn at dali-dali akong pumasok sa loob ng shop .

Nilibot ko muna ang shop ! Nagtingin-tingin ! Kung saan ba matatagpuan ang minimithi kong damit ..

lingon ... lingon ... lingon ...

"Gotcha!" malakas na sabi ko ! Nang makita ko na ang hinahanap ko .

[a/n : insert spotlight para sa damit]

Tumakbo naman ako ng mabilis at agad na kinuha iyon !

Nabg mahawakan ko yun di ko nakayanan ang sayang naramdaman ko kaya nagtatalon ako sa tuwa .

Alam kong O.A pero ganto talaga ako eh ..

Pumunta naman agad ako sa may cashier para mabayaran na tong pinamili ko ..

Pagkatapos kong magbayad ! Lumabas na din ako , nakita ko naman si bestty na nag-iintay sa akin sa labas ..

I smile widely "Bestty , tara libre kitang Ice cream" sabi ko kay Reymilyn .

"Buti naman at naisipan mo ! " sagot naman sa akin nito .

"Naman , pambawe ko to sayo ! Pathankyou na din sa pagsama mo sa akin dito" sabi ko naman dito . Ngumiti naman siya sa akin , nagtungo nadin naman kami agad sa Ice cream shop ..

- - - - -

At Ice Berg

Dito ko dinala si bestty , para di niya naman isiping cheap ako nuh .

Humanap muna kami ng table . Doon kami umupo sa pinaka unahan .

"Waiter!" I said while waving my hand .

Agad namang lumapit sa amin yung waiter ..

"Ano sayo bestty ?" tanong ko dito .

"Banana split sa akin !" sagot naman niya sa akin .

"2 banana split po" sabi ko naman sa waiter

"Yun lang po ba ma'am" tanong ng waiter

"Yup . Padalhan nadin kami ng water!" sabi ko naman dito at tuluyan ng umalis yung waiter ..

Yum .. Yum .. Ito talaga ang pinaka masarap pagkatapos mag shopping ! Ang Kumain ..

After 10 minutes , dumating nadin yung order namin .

Agad ko namang nilantakan yun ! Habang si Reymilyn , kakain na sana kaso may tinitignan siya ..

Ay ! Jusme , medyo may pagka-chismosa din pala minsan itong si bestty .

Pinabayaan ko nalang siya ! Dahil sa ngayon ang tanging atensyon ko lang ay nasa banana split ko .

(Reymilyn P.O.V)

Ang atensyon ko ay natuon sa dalawang taong kakapasok lang ng Ice berg ngayon ..

Ang aking cupcake . Na matagal ko ng hinahanap , na ngayon ay may kasamang haliparot na babae !

Kung makakapit naman ay parang linta ! Tsss , tatangayin ba ng hangin yang si Sebastian at kailangan niya pang kapitan ng ganyan ..

Nakaka IMBYERNA lang ..

Okay ! Si Sebastian si Cupcake ko . Siya yung matagal ko ng hinahanap . Sa kanya ako nangako ng aking pag-ibig ..

Alam kong we're too young pa non ! Pero Promise is a promise ! Hindi dapat ito sinisira ..

*choke* *choke*

"eekk .. eekk .. T- -u--biig" hirap na sabi ko . Binigyan naman kagad ako ni abby .

Agad ko naman ininom yung tubig na binigay niya .

"Abby ! Bakit mo sinubo yung ice cream ng di ko alam ! Ayan nabulunan tuloy ako" angal ko sa kanya

"Kasi naman po , natutunaw na yung ice cream . Sayang naman po yung pera ko diba?" sagot naman nito sa akin

"Aba ! Di ako pa may kasalanan ngayon ?" sabi ko sa kanya

"Wala akong sinabi" sagot naman niya sa akin .

Pinagpatuloy nalang niya yung pagkain niya ng banana split .

Kaya ako , nilantakan ko na din yung Ice cream ko ..

Pero yung mata ko di padin naaalis sa dalawang tao na naglalandian sa likod ko .

Grabe ah ! Dinaig nila yung tamis nitong kinakain ko ngayon ah .

Tssss . Ang landi-landi mo talaga Sebastian ..

Grrrrr lang ..

My Sister LOVES My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon