"Hanggang kailan magdurusa"

17 0 0
                                    

(ang mawalan ng taong minamahal ito yung pinakamasakit tanggapin. ang mangulila ka, na pati mga pangarap niyo ay guguho kasabay ng paglaho niya)

l

Pusong naghihinagpis sa kalungkutan

Sa pag ibig na sawi at kabiguan

Hanggang ba makakayanan ?

Ang pagdurusa sa sakit na iniwan

ll

Sa bawat maugayang alaala na pinagsaluhan

Ay hapdi ang dulot sa aking kalooban

Na luha ay hindi ko mapigilan

At tumangis mag isa sa isang karimlan

lll

Bakit ba kay saklap sa akin ng tadhana

Minahal naman kita ng lubos at tama

Subalit ika'y bigla sa akin kinuha

Na kayhirap tanggapin, di na kita makikita

lV

At sa mga ngiti mo na di ko na masisilayan pa

Sa simpleng yakap mo na namimis ko na

Hanggang kailan ba puso'y magdurusa

Hanggang kailan matatanggap na wala ka na.

-

-Pusong sawi-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon