(hanggang nandiyan siya sa tabi mo iparamdam mo kong gano mo siya kamahal. ipakita mo na ang bawat sandali ay napakahalaga na makapiling siya .)
l
Pinipigilan ko ang magmahal
Upang puso ko'y di masaktan
Ngunit ika'y dumating ng di ko inaasahan
At minahal ka ng agaran
ll
Paano ko ba sasabihin na iniibig kita
At iparamdam sayo na ika'y mahalaga
Na tanging ikaw lang ang nais makasama
At bumuo ng pangarap para sa 'ting dalawa
lll
Subalit paano pa kong ika'y nasaktan ko na
Na pag ibig mo ay di binigyan ng halaga
Huli na para pag sisihan ko diba ?
Dahil wala ka na sa buhay ko't lumisan ka na
lV
Siguro nararapat lang na palayain na kita
Upang puso ko'y di na umasat' mahirapan pa
Salamat sa iyong mga alaala
Sa mga araw na ako'y iyong pinasaya !
-kong naiwan ka mag isa ng taong mahal mo huwag mong sisihin ang nasa itaas dahil sa mundong ibabaw lahat ng may buhay ay may hangganan. Alam natin yun ang pinakamahirap tanggapin ang makalimot sa pighati at lungkot subalit laging tatandaan na pagsubok lang ng lahat ng iyong nararanasan.
ika nga kung me mawawala me darating sana huwag nating kakalimutang buksang muli ang ating puso sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa atin.