Azalea's PoV
"Go girl! kaya mo yan, i-cheer pa kita hehe," ang sarap po talaga batukan nitong bestfriend ko. Mangingidnap na nga kami lahat-lahat ganun parin ang kabaliwan.
Kasalukuyang tinatawagan ko siya.
Oo tama kayo, gagawin ko yung suggestion niya. Mukhang nauto ako ng isang 'to.
Alam kong mali 'to pero anong magagawa ko? gusto ko pang mabuhay ang nanay ko. Hindi ako makakahanap ng kalahating milyon ng isang linggo lang.
Imposible mangyari yun.
Kaya eto nasa labas kami ng bahay ng kikidnapin ko, oo ako lang. Ayaw sumama ng bestfriend ko kasi may-date sila ng boyfriend niya. Ok lang sakin para walang magulo.
"Asan na yung kikidnapin mo?" tanong niya sa kabilang linya.
"Hoy Ancy, wag kang atat ok," narinig ko naman siyang nag-hmp psh whatever. Maya-maya lumabas na yung kikidnapin ko.
Sino yung kikidnapin ko? Si Vash Collins. Nag-iisang lalaking anak ni Victor Collins at Carly Collins. Nalaman ko yun kasi ni-research ko okay?.
Pagkalabas niya, nakita ko din na may kasunod siyang dalawang ka-edaran niyang mga babae, di ko makita yung mga mukha kasi natatakpan ng mga buhok.
Nung makasakay sila ng kotse agad akong sumakay sa bike ko para sundan sila, oo bike lang gamit ko, pulubi eh.
Staka wala ako sa isang subdivision, nasa tapat ako ng isang resort pagmamayari nila 'to. Kaya dito narin ata sila tumitira. Okay ang dami ko ng alam, wagas ako kumalap ng impormasyon eh.
Huminto sila sa isang school.
Kingdom Academy.
Ang ganda naman ng pangalan ng school nila! mala-fantasy lang ampeg, kelan kaya ako makakapasok ng ganyang paaralan? hmm.
Hala teka, pumuslit ako sa guard ng school para makapasok. Ninja moves, diyan ako magaling. Sinundan ko yung Vash at nakita ko siyang pumunta sa likod ng school.
Ano naman kayang gagawin niya dun? Hmm wala ako sa lugar para isipin pa yan. Pero kailangan ko na talaga siyang kidnapin eh.
Kaya ayun ginawa ko na.
Vash's PoV
"Ano ba yan Kuya! sarap mong sipain,"
"Don't worry masarap kang sipain pabalik ng America!"
Nagulat naman ako nung biglang nag-pout siya "Pinapabalik mo na ako ng America? ganun? di-mo na ako love?" partida teary eyed pa 'tong kapatid ko.
"Tss fine, oo na gamitin mo na."
"Haha! talaga? salamat oppa gangnam style!" bago ko pa siya i-wrestling ay agad na siyang lumabas ng kwarto ko.
Tss kahit kelan talaga. Sino yun? kambal ko. Lalaki? hindi babae siya. Kaya nga laging magulo eh, ano name? Aviana. Ano hinihiram niya? cellphone ko, amp.
Maya-maya biglang may kumatok, siyempre pinagbuksan ko naman.
"Vash pumasok ka na ng school," nag-nod naman ako kay Daddy. At lumabas na ng school, handa narin yung kambal ko. Di-ko nga alam kung kambal ko ba talaga 'to eh, ang ingay!.
Sumakay na kami ni Aviana ng van, kasama si Nicole pinsan namin. Mag-tropa yang dalawang yan eh. Eto nga oh, nagdadaldalan.
"Nae-excite na talaga ako para sa fieldtrip omg!"
"Bakit san daw pupunta?" tanong ni Nicole.
"Mental Hospital daw,"
"Talaga? Mental Hospital daw? bakit daw?"
"May project kasi tayo tungkol dun, parang thesis. At ang main question sa thesis ay 'Alam ba ng mga baliw, na baliw sila?' yan ganyan hihi"
Alam ba ng mga baliw na baliw sila?
Seriously!? THESIS!? 4th year highschool palang kami. Amp naman, ano na naman bang pakulo 'to ng magaling kong school.
"Aba aba aba! baka naman magkaroon ng Welcome Home party kapag pumunta dun si Kuya Vash," at nagtawanan pa yung dalawa. Hay buhay.
Sanayan nalang sa dalawang yan.
Nang makarating na kami sa school lumabas aga ako, siyempre pinagtitinginan kami. Pogi ako eh.
Pumunta ako sa tambayan KO, oo kasi ako lang ang nakaka-alam. Likod 'to ng school, may mga fence lang kaso may lusutan lang talaga ako para makarating. Secret ko na yun ok?
Humiga ako at ipinikit ang mata ko.
Pero maya-maya naramdaman akong parang may nagtakip ng panyo sa may ilong ko. Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay may mga narinig pa akong salitang...
"Sorry, kailangan ko lang talaga tulong mo. Nangaganib ang buhay ng nanay ko."
BINABASA MO ANG
Ms. Stealer (BTS-V)
RandomWouldn't it be a perfect crime, if I stole your heart and you stole mine?