Azalea's PoV
"Promise babe, it's okay if you're shy to me I know I'm handsome,"
For damn petes sake! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera hinding hindi ko 'to gagawin eh. Napakadaldal nitong lalaking ito! parang babae, putak ng putak. Nakakairita na.
"Pwede ba manahimik ka!?" nakakairita na talaga kasi kaingayan nitong isang 'to. Konting konti nalang hahambalusin ko na 'to eh.
"Why would I shut? I'm having fun talking with you," magtigil ka! ikaw lang masaya.
"Nice? sipain kaya kita diyan? imbyerna na ako sayo ah"
"What's imbyerna?"
"Juice coloured, santimaan. Bakit po ba ang daldal nitong isang 'to?"
"What? I'm just asking what is imbyerna."
"Gusto mo malaman ha!?"
Nag-nod naman agad siya "Pwes! hindi ko sasabihin sayo hanggat di mo ko binibigyan ng katahimikan kahit isang oras lang," simula nung nagising siya dito sa loob ng sasakyan na gamit ko ay di na siya tumigil kakadakdak.
At ang nakakawindang pa?
Nung magising siya dito ay hindi man lang nagwala na kung bakit siya nasa loob ng kotse ko, aba natuwa pa. Saan daw kami pupunta, excited na excited pa ang loko.
Plano ko kasi sana kung baka sakaling magising siya at maglaban ay i-spray ko sa mata niya yung pepper spray ko para di siya makapalag.
Kaso ayun nga, buwisit alien pala ang isang 'to. Ang 4D kasi eh!
Mga 2 hours narin siguro akong nagdadrive, papunta kami ng probinsya ko. Hindi ko na sasabihin, basta secret nalang ok.
"Hindi ko talaga kaya tumahimik eh," biglang nagsalita 'tong katabi ko after 5 minutes. Akala ko pa naman kaya niya ako bigyan ng kahit isang oras na katahimikan.
Mukhang nagkamali ako.
"Nasa sayo ba cellphone ko?" tanong niya sa akin.
"Anong paki mo kung nasa akin ha?" mamaya kapag binigay ko sa kanya yung cellphone niya ay biglang tumawag 'to sa pamilya niya at humingi ng tulong.
Oh di napunta sa wala 'tong ginagawa ko.
Ngumiti siya, ngiting ang shape ay square "Malamang may pake ako kasi cellphone ko yun eh kaya pahiram na please," napablink naman ako ng dalawang beses.
Oo nga noh? may pake siya kasi cellphone niya yun.
"Heh! mamaya tumawag ka pa sa pamilya mo"
Umiling siya "No. I'm just going to play games," at nagpuppy eyes pa. Oo na cute na siya.
"Tingin mo sa akin? uto uto? di uubra saken yang pagpapacute mo!"
"Oh sige kunin mo nalang yung simcard" peste ang kulit talaga, tinigil ko yung kotse at kinuha yung cellphone sa bulsa ko.
Nung nahawakan ko na yung cellphone napaisip ako "Paano ba tanggalin ang simcard nito?" eh sorry naman hindi ko alam eh.
Ito ata yung sinasabi nilang iPhone. Kaso wala akong pakialam kasi wala naman ako pambili. Magbalik tayo sa kasama ko, ayun tinanggal na yung simcard.
"Ayan! I removed the simcard, guess I can play na?" inirapan ko nalang siya, kinuha ko yung simcard at itinapon sa hindi ko alam. Basta tinapon ko, tapos.
--AFTER 2 HOURS--
"Deym, lowbat na yung phone ko." psh. Tinignan ko itong katabi ko, so lowbat na ang phone niya? maguumpisa na naman ba siyang mag-ingay?
Ang peaceful na ng buhay ko kanina eh ang tahimik.
"Malapit na ba tayo sa pupuntahan naten?"
"Wag ka ngang matanong,"
"Isang beses palang ako nagtatanong."
Inirapan ko siya "Malapit na! oh ano masaya ka na ba?" ngumiti na naman siya at saka tumango. Hay ewan ko sa kanya, ang kulit niya.
Maya maya nakarating na kami sa dapat naming puntahan, andito kami sa bahay nila lola dati. Wala ng natira dito pero may mga gamit pa naman.
Pinalabas ko siya ng kotse at pinapasok sa loob, naayos ko na yung bahay nung isang araw. Planadong planado na kasi 'tong ginawa ko.
"May wifi ba dito?"
"Wifi? internet yun diba? well sorry ka wala!" lowbat na nga cellphone niya lahat lahat wifi parin hanap?
Paano kung biglang mag-tweet yan "Kidnapped at the moment," oh diba buwisit lang? staka oo! alam ko twitter noh!
"Nauuhaw na ako," nagpout pa siya. Pumunta ako kusina at kumuha ng tubig. Nung iniaabot ko na sa kanya yung baso tinititigan niya lang.
"Hoy malinis yan wag kang mag-inarte," mineral water naman yun ano!
"Why did you kidnapped me?" base sa ekspresyon na nakikita ko sa kanya mukhang seryoso siya sa tinanong niya.
"Kailangan ko kasi ng pera,"
"You need money? bat di ka nalang nagtrabaho? alam mo naman siguro na mali 'tong ginagawa mo diba?"
"Bakit tingin mo ba dahil sa pagtatrabaho makakaipon agad ako ng kalahating milyon?"
Ano namang klaseng trabaho ang makapagbibigay ng 5 milyon agad agad sa isang tulad ko na hindi pa mga graduate kahit higschool?
"San mo naman gagamitin ang limang milyon?"
"Wag ka ng magtanong please..."
Napatahimik naman siya sa sinabi ko. Pero maya maya nagsalita ulit siya, mga salitang di ko inaasahang maririnig ko sa kanya.
"Aish, bat ganon? parang ang saya saya ko kapag kasama kita?"
BINABASA MO ANG
Ms. Stealer (BTS-V)
AcakWouldn't it be a perfect crime, if I stole your heart and you stole mine?