Kinaumagahan.
Wala pa din nagbabago. Binababa ako ni Yessah sa sementeryo at naglalakad ako papunta school
"Yo Alexis" pag tingin ko sa likod ko si Brix
Akala ko wala ng pagbabago sa araw araw ko. Meron din pala
"Sabay na tayo pumasok?" sabi ulit ni Brix na napakamot pa sa ulo
"Sige" un na lang nasabi ko sa kanya. Medyo ilang pa din ako sa kanya
"Bakit ka pala nasa sementeryo?" napapakamot lang si Brix sa ulo nya. May kuto kaya sya? kalalaki tao pa naman nya
"Malapit lang kasi bahay namin dito" pagsisinungaling ko sa kanya. Matagal na namin secreto ito ni Yessah at hindi ang magpinsan na Salmonte ang makakahuli sa amin
"Ganun ba?" napapatingin sya sa likod namin
"Bakit? may nakikita ka ba na hindi ko nakikita?" Napapatingin tuloy ako sa likod namin. Aba baka may multo sa likod ko
"Wala naman hehehe" sabay kamot sa buhok nya. Haayyy reregaluhan ko sya ng gamot sa pangkuto
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa school
Tumitingin din ang mga studyante sa amin dahil na rin kasama ko si Brix. Binibigyan naman ng isang masamang tingin ni Brix ang mga toh kaya napapayuko at napapaiwas ng tingin sa amin
"Salamat" sabay ngiti ko kay Brix. Nasa tapat na pala kami ng classrroom namin
Question? bakit ako nagpapasalamat sa kanya
Hayy papasok na nga lang ako sa classroom
kaso napahinto ako sa sinabi ni Brix
"Mas dapat ako ang magpasalamat" nahihiya sabi ni Brix? nakayuko sya kaya nasa isip ko nahihiya sya
"salamat din kasi may pagbabago na sa araw na toh sa akin" waah tama ba ang sinabi ko sa kanya
"Pede ba lagi tayong sabay pumasok?pati sa paguwi?" Biglang tumahimik ang mundo ko ng sinabi nya sa akin ito
Ibig ba sabihin nito? magmomotor kami lagi o maglalakad sya kasama ko?
"Amm medyo delikado kasi maglakad sa sementeryo, baka may lumabas na zombie hahaha" pahabol ulit ni Brix pero namula sya. Nahiya siguro sya kasi di ako sumagot agad sa tanong nya
"Sabay na lang tayo pumasok, kasi magkaklase naman tayo" nahiya din ako sa kanya. First time lang ako niyaya ng ganun ng isang lalaki
"Brix at Alexis hindi pa ba kayo papasok sa room" biglang sulpot ni Winona
BINABASA MO ANG
Yes! I'm nerd. So what?
FanfictionAlexis isang babae na nerd, weird, and rich. tahimik na tao at walang pakialam sa ibang tao. Pero sa isip nya sya ang pinakamadaldal at pinakamasayahin na tao Dahil sa mayaman may ibang life style si Alexis sa Highschool isa lang sya ordinary na st...