Salamin, salamin
Maari ko bang masilayan ang mukha ng aking mamahalin?
Salamin, salamin
Maari ko bang masilayan ang simpleng ngiti ng tao na bibihag sa akin
Salamin, salamin
Sabihin mo sa akin kung sino ang nararapat sa akin
Di na ako makapaghintay na masilayan ang kanyang ngiti
Ang ngiti'ng bibihag ng aking damdamin
Oras? Araw? Linggo? Buwan? Taon? Dekada? Hanggang kailan pa?
Di na ako makapaghintay pa
Labis ang kagalakan ang aking nararamdaman tuwing papasok ang mga hugis puso sa aking isipan
Hugis pusong hahabol sa akin tuwing siya ay naka tingin sa akin
Hugis pusong lumilitaw sa paligid tuwing siya ay papalit sa aking gawi
Hugis pusong siya lang ang dahilan kung bakit ito'y humahabol sa akin