Dream encounter

2 0 0
                                    

"mahal... " pamilyar na boses ang aking narinig

Bumilis ang pagtibok ng aking puso.

"mahal... " palakas at palakas ang kanyang tinig

Isa...



Dalawa...

Tatlo...

Palapit na siya ng palapit

Apat...






LIMA...

nakatayo siya sa aking harapan

at tulala ko naman siyang pinagmasdan...

"mahal ko...." bulong ko

"bumalik ka. "



(KATAHIMIKAN)

unti unti niyang hinawakan ang aking mga kamay...
Sa wakas ay magsasalita na rin




"Paumanhin.  Noon, pinangako ko sayong hindi kita iiwan at pababayaan.  Ngunit nabigo akong tuparin yun..."

Gulat akong napatitig sa kanya...

"Kaya ngayon... "








LUMUHOD SIYA sa aking HARAPAN!!







"humihingi ako ng pahintulot sa iyo upang magawa kung tuparin ang mga pangakong hindi ko natupad noon."




Gulat ngunit nakangisi akong napatitig sa kanyang mga mata. 
Kay gandang pagmasdan ang kumikislap niyang mga mata.


Napa pikit ako sa labis na kasiyahan...




Ngunit sa pagmulat ko ay ang dahilan sa tuluyang pagpatak ng aking mga luha.

Dahil yun pala ay...








"PANAGINIP LAMANG"

Poesia Y LetrasWhere stories live. Discover now