Flashback part 2

790 17 1
                                    

FOLLOW MY OFFICIAL TWITTER FOR MORE UPDATES :)

@LoveRhoda26

Sa work ni Ella..


Nagulat si Ella ng may ilapag na invitation si Mika sa counter ng reception, nasa kalagitnaan siya ng pagchecheck ng mga arrivals para sa araw na yun.

"Invitation yan best para sa engagement chorva nila Martin at Shiela." - Mika


(Ella's POV)


Si Mika ang bestfriend ko. Classmate ko siya noong college pa kami. Sabay kaming natanggap dito sa hotel at sa parehong department pa. Graveyard shift siya samantalang morning shift naman ako.


Umalis na siya kanina sa desk dahil mag-o-out na siya pero bumalik siya dala ang invitation na to.


"Oh pano best? Uuwi na ko ha. Sobrang antok na ko." nagbeso pa siya sakin.


"Sure. Ingat ka ha. Baka mamaya mali pa yung dyip na masakyan mo." - ako


"Hindi yan. Text or call na lang mamaya. Byiee." tumango na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.


Pagkatapos ng duty ko ay agad akong umuwi. Di na ako sinundo ni Eugene dahil nagrereview siya para sa darating na prelim exams niya. Pagdating ko sa bahay ay nagtext lang ako kay Eugene pagkatapos ay umidlip ako saglit.

6pm na ng gumising ako. Tinignan ko yung phone ko para malaman kung may mga messages o missed calls.


4 messages


2 missed calls


Yung missed calls galing kay Mika. Nagtaka ako pero tinignan ko muna yung mga text messages. Tatlo galing kay Mika at isa kay Eugene.


From Eugene:

Good to know you got home safe.

Still studying, call you later after dinner.

Eugene miss and love you so much.

Text me pag gising mo.


Agad akong nagreply.


To Eugene:

Just woke up love :)

Sipag mag-aral,

don't forget to eat ha.

I miss you and I love you too.

Will be waiting for your call.


Binuksan ko naman ang text messages ni Mika.


From Mika:

Best. :( Nag-away nanaman kami ni Anthony.


Nalukot ang mukha ko. Ano pa nga ba ang bago?


From Mika:

Di mo sinasagot tawag ko.

Best tulog ka ba?

Tawagan mo agad ako pag gising mo.

My Bf and Bff's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon