❝DIARY❞

12.4K 26 9
                                    

"Shang!"

Nagulat ako nung may biglang may tumawag sakin. It's Sebastian.

"What do you want?" I asked.

"Pssh tinawag lang kita may kailangan agad? Di ba pwedeng namimiss lang kita."

Eto na naman yung puso ko ang bilis tumibok. Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko.

"Malapit na pala birthday mo." Sabi ko at ngumiti sakanya.

"I know kaya nga I'm here to invite you. Punta ka ha." Sabi niya at binigyan ako ng invitation.

"Of course I'd be there in your birthday. You're special to me why wouldn't I attend?" Sabi ko at ningitian siya. Mahal kita syempre pupunta ako sa birthday mo.

He chuckles. "Ikaw talaga. Uuwi kana ba? Sama ako."

"Sure sige." Ay gusto ko yan seb makakasama kita ng matagal. Teka hoy Self. Pinsan mo siya PINSAN.

Napayuko naman ako sa aking naisip. Ano ba yan bat hindi pwedeng maging kami. Bat kasi naging pinsan pa kita seb. Tangina naman oh sana di nalang kita pinsan.



Andito ako ngayon sa bahay at nakaupo habang nanonood ng movie. Kakatapos ko lang kasi magsulat sa diary. Sinusulat ko yung mga nararamdaman ko para kay seb. Habang kumakain ako ng popcorn ay nakita ko si ate at kuya na papunta sakin baka makinood ata.


"Shannaaaaa! Waaah! Kissing Booth ba yan?" Sigaw na tanong ni ate sheena sakin nung makalapit siya at umupo sa tabi ko ganun din si kuya Shin. Tumango lamang ako bilang sagot.

Habang nasa kaligtaan kami ng panonood ay biglang nagsalita si kuya. Pero kami ni ate sheena ay nakatutok parin ang mga mata sa pinapanood namin.

"Ano to shang? Sino yung sebby? Is this Sebastian? Our cousin?" Tanong ni kuya na ikinagulat ko. Tiningnan ko siya at hawak hawak niya ang diary ko. Bigla ko itong inagaw sakanya. Si ate ay tumingin din sakin at para bang nagulat sa tanong ni kuya.

"U-uhmm.."

"Shanna. Sumagot ka. Si sebby ba na mahal mo ay pinsan natin?" Tanong ni ate sakin habang hawak niya na ang diary ko. Si kuya naman ay nakatingin lang sakin at naghihintay ng sagot ko.

Hindi ako sumagot sakanilang tanong at yumuko nalang ako. Pero bigla naman ni kuya hinagis ang remote.

"Sha--!!" Di ko na pinatapos ang sasabihin ni kuya at sumagot na sakanya.

"Oo! Si seb na mahal ko ay ang pinsan natin. Mahal ko siya hindi bilang pinsan ko mahal ko siya bilang siya. Alam kong mali to pero..di ko mapigilan." I said and smiled sadly.

"Pero Shang mali yan. Pinsan natin siya shang pinsan." Sabi ni kuya at tumango naman si ate.


"I know kuya. But i can't stop my feelings. I swear, i tried to stop my feelings for him. Pero di talaga keri kuya kasi nahuhulog ako sakanya. I know na mali tong nararamdaman ko but i can't help it. I'm sorry."


"Shanna.." Aniya. Niyakap ako ni ate ganun din si kuya. Madami pa silang sinabi sakin at nakikinig lang ako sakanya. Dalawang araw nalang birthday na ng mahal ko.





Andito ako ngayon sa kwarto at nagpapaganda kasi birthday ni Seb. Tumayo ako at pumunta sa malaking salamin at tiningnan ang sarili ko. Ang ganda ko. Pero kahit na maganda ako di ko parin maaangkin si Seb kasi nga Pinsan ko siya. Tanginang buhay.





Andito na ako ngayon sa Mansion nila kung saan i ce celebrate ni seb ang birthday niya. Ang daming tao ah. So ayon hinanap na agad ng mga mata ko ang pinakamamahal ko.


Habang naglalakad ako ay nakita ko si tita Sandra na ina ni seb. Lumapit ako sakanya dahil ako'y tinawag niya.



"Hi tita!" Humalik ako sa pisngi niya at ngumiti.


"You look beautiful today." Tita said. I smiled at her.


Nagusap usap kami ni tita hanggang sa nakita ko na si Seb na may kasamang babae..


"Sebby! Happy Birthday" bati ko sakanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap siya. Bat parang ang iba ng ngiti ni seb. Yung parang nanalo siya sa lotto.


Pumunta si Mom and Dad palapit samin pati na rin sila ate at kuya. Hinawakan ni Seb ang kamay ko na ikinagulat ko. Si kuya ay seryosong nakatingin lamang sakin at si ate ay nakayuko.


"Shang! May balita ako na masaya na malungkot" Sabi niya at ngumiti. Masaya na malungkot? Wth?

"Really ano yon?" Tanong ko sakanya



"Hindi ako anak ni Mommy Sandra at dad. Hindi mo ako pinsan."
Nagulat ako sakanyang sinabi. Ang saya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong tumalon sa saya. Kasi sa wakas pwede na maging kami.


"W-what?!" Yan lang ang tangi lumabas sa bibig ko. Pero biglang nawala ang saya ng aking naramdaman nung sinabi niyang--


"Di ako anak ni Mommy sandra. Kasi anak ako ni Mommy at daddy mo."


"H-ha?"


"Kuya mo ako!" Masaya niyang sabi at niyakap ako.
Parang biglang nawalan ako ng gana. Parang yung makulay ko na mundo ay magiging b&w. Madami pa siyang sinasabi na Masaya daw siya dahil kapatid niya ko pero malungkot siya dahil Si Tita sandra ay di pala nanay pero ok lang naman daw sabi ni tita sandra kasi tanggap ya naman ito noon pa. Blah blah blah.



"And btw shang this is Erika my Fiancee." Nagulat ako sakanyang sinabi at tiningnan ang Erika na sinasabi niya. Psh mas maganda ako. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko pero di ko na kaya gusto ko ng ilabas.


Tumalikod ako sakanilang lahat at tumakbo paalis. Susundan sana ako ni ate ngunit pinigilan siya ni kuya. Di ko alam kung saan na ako dinala ng paa ko pero nakita ko nalang na andito ako sa park na laging tinatambayan namin ni seb. Umupo ako sa ilalim ng puno sa park at dun umiyak ng umiyak.


Bakit ganon kung sino pa ang mahal ko ay di naman pwede para sakin. Bakit yung Pinsan este Kuya ko pa ang minahal ko. Bakit si Sebastian pa. Sana pala di ko nalang siya naging close.


Bakit yung mga mahal natin ay may mahal ng iba. Bakit hindi ako mahal ng mahal ko? Siguro nga ay may natatakdang lalaki para sakin. Siguro nga ay kailangan kong tanggapin na Kuya ko lang talaga siya.

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now