❝Ang swerte mo. Mahal ka ng taong mahal ko.❞

5.8K 17 8
                                    

HELLOOO CASSQ PARA SAYO TO

❝Ang swerte mo. Mahal ka ng taong mahal ko.❞

Nakatingin ako sa mga ulap at iniisip ang gwapong mukha ni-- "Uy Cass!! May kwento ako sayo" nagulat ako nung biglang inakbayan ako ni Cody. Siya si Cody Pasteur Boy best friend ko. At mahal na mahal ko kahit gago to.

"Tch ano ikwekwento mo?" Tanong ko sakanya. Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko. "Alam mo ba ang ganda ganda ng taong gusto ko." Tumingin siya ng seryoso sakin. Pucha heart kumalma ka wag kang assumera.

Umiwas ako ng tingin. "Ah ganon ba." "Ang bait bait niya pa. Nag aaral din siya school natin."

"Talaga? Sana makita ko siya" Tanong ko at tiningnan siya. Ilang taon na kaming mag best friend ni cody at habang tumatagal ay nahuhulog ako sakanya.

"Uh-huh ang ganda din ng mga mata niya. Color brown." Sabi niya. Teka color brown din mata ko e. Putangina sana ako yung sinasabi niya.

"H-ha. Uhm ano pangalan niya" Tanong ko sakanya. Tiningnan ko siya na parang kinakabahan. Sana ako sana ako sana ako. Gago Cass wag kang assumera stop na.

"Siya si -----" napatigil siya sa kanyang sasabihin nung tinawag siya ng kanyang mga kaibigan. May laro pa daw sila.

"Una muna ako cascas. Mamaya nalang tayo mag usap. Ingat ka dyan." Tumango ako sakanyang sinabi. Bago siya umalis ay ginulo niya ang buhok ko. Hilig niya talaga guluhin ang buhok ko.

-

Nakaupo ako sa sala namin habang nanonood ng movie. Habang kumakain ako ng chichirya ay biglang may nag call sakin. Tiningnan ko ito. Si Cody pala.

'Cascas! Send help. '

"Sure. Ano yun?" Tanong ko

'Naalala mo ba yung kinekwento ko sayo yung babaeng gusto ko e liligawan ko na siya. Susupresahin ko siya kaso nga lang naiwan ko yung Bouquet sa condo ko.'

Liligawan niya na?. Wala na akong pag-asa. Sakit.  "a-ah oh tapos?" Tanong ko sakanya.

'Diba may susi ka naman ng condo ko e pwede mo bang kunin yon at ibigay sakin.'

-

Nasa condo niya ako ngayon at paalis na ako kasi nakuha ko na ang pinapakuha niya. Tiningnan ko ang address na binigay niya. Napabuntong hininga ako nung maalala ko ang sinabi niya kanina na liligawan niya ang taong mahal niya. Sino naman kaya yon. Si cass daw yon eh di niya sinabi ang surname.

Pumunta ako kung saan niya isusupresa si Cass. Pero sa totoo lang nag a assume ako na ako yung babaeng mahal niya. 'Sana'.
Nasa rooftop na ako. Dito niya kasi liligawan ang mahal niya.

Ang ganda naman dito. Put--- nagulat ako sa aking nakita. Naghahalikan sila ng babae. Bigla akong nakaramdam ng kirot. Teka parang kilala ko tong babaeng to.

"Oy cascas andyan ka na pala. Halika dito." Sabi ni cody at lumapit naman ako sakanilang dalawa. Tiningnan ko yung cass na mahal niya. Tss.

"Oh eto na yung pinapadala mo." Sabi ko at ibinigay sakanya.

"Salamat cascas! The best ka talaga." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Kinuha niya ang bouquet sakin at ibinigay yun kay cass. Sabi ni cody tagal na din daw sila nagkakilala pero ngayon lang daw siya balak manligaw. Torpe eh.


"Nga pala cascas siya yung kinekwento ko sayo. Siya Cassandra Hestia Gonzalez. Cass siya naman si--"

"I'm Cassopeae Cosmette. Nice to meet you Hestia." I said. Ngumiti ako sakanya.

"Teka lang girls ah may kukunin lang ako." Sabi ni cody at umalis muna. Tiningnan ko si Hestia na 'cass' ni Cody.

"Nice to meet you too Cass." Ang sakit namang isipin na yung mahal mo may mahal ng iba.

"Ang swerte mo. Mahal ka ng taong mahal ko." Sabi ko sakanya at tiningnan lang siya. "Wag mo siyang sasaktan ha. Alagaan mo siyang mabuti. Mahal ko yan." Nagulat siya sa aking sinabi. Tumalikod nalang ako pero nagulat ako nung nakita ko si cody na nakatingin sakin. Narinig niya siguro.

Lumapit ako sakanya. "Congrats bes. Enjoy!" Ngumiti ko sakanya at umalis na. Siguro nga hanggang best friend lang kami ni cody. Siguro nga di kami para sa isa't isa. Nag assume pa ako na ako yung cass, yun pala yung hestia na yun.

Nung naka alis na ako ay dun simulang tumulo ang mga luha saking mga mata. Sana ako nalang siya. Sana ako nalang ang mahal niya. Pero wala na e may mahal na siyang iba. Ok lang naman sakin basta kung saan siya sasaya susuportahan ko nalang siya.


'Dapat pag kaibigan. Kaibigan lang. Walang talo talo' naalala ko yung sinabi ni Pia. Ate ko. Siguro nga tama ang sinabi niya. Pag kaibigan, kaibigan lang. Kasi baka Mahal mo siya pero mahal ka niya bilang kaibigan lang.

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now