"Ate Renren." Nagising ako dahil sa pagtawag ni Angelo. Hapon pa ang klase ko kaya may oras pa akong magpahinga at gumawa ng dapat gawin. Dito kaya natulog si Angelo? Lasing siguro kagabi kaya hindi nakauwi sa bahay nila.
Madalas niya akong tawaging Ate Renren kapag kami lang ang magkasama kasi alam niyang gustong-gusto kong iyon.
Pinagbuksan ko siya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Thank you." Sabay pag-angat ng regalo habang nakangiti na parang bata.
"Hindi iyan galing sa'kin," sabi ko nalang kahit taon-taon kong itinatanggi na ako ang nagbibigay ng regalo sa kanya. Nakakatuwa kasi, parang bata talaga siya. Malayong-malayo sa itsura niya kapag kasama iyong mga kaibigan niya.
"Umuwi ka na, mamaya pa ang klase ko kaya matutulog pa ako."
"Dito muna ako."
"Bahala ka."
Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ulit ako makatulog kaya lumabas ako para maglakad-lakad. Mukhang lasing nga si Angelo dahil nakatulog kaagad siya. Sinilip ko iyong kwarto niya. Kakalinis ko lang nito pero napaka-kalat na agad. Tss, mga lalaki talaga.
Kapag wala akong magawa sa apartment ay naglalakad-lakad talaga ako rito. Minsan nga ay nakakasalubong ko si Kianna kapag nagjo-jogging siya. Medyo malapit lang ang bahay nila sa apartment ko kaya kapag bored ako ay tinetext ko lang siya para magkita kami, or vice versa. Ayoko naman magpunta sa park dahil nagiging tambayan na yata iyon ni Ezekiel. Palagi siyang nandoon kapag nagpupunta ako.
And now, I just wanted to be alone.
Naglalakad lang ako while listening to my favorite music. Pero naistorbo ako noong napansin ko na may sasakyan na sumusunod sa'kin. Tinanggal ko iyong earphones ko at doon ko lang na-realized na bumubusina pala ito kaya huminto ako.
"Ezekiel? Ano'ng problema mo?"
"Did Kianna call you?" He looks concern kaya kinabahan ako.
"Hindi. What happened?"
"Someone called me using her phone to let me know that she fainted. And she is in the hospital right now. Gusto mo bang sumama?" Hindi ko na naintindihan ang iba pa niyang sinabi. Basta nalang akong sumakay sa kotse niya. Syempre, binuksan ko nang bahagya ang bintana.
Bakit siya nasa ospital? Nag-message kaagad ako kay Angelo na kasama ko ang kaibigan niya at pupuntahan ko si Kianna sa ospital. Kinakabahan ako.
"What happened to her?"
"I have no idea. Hindi naman siya basta-basta nahihimatay, eh."
"I hope she's fine," sagot ko nalang sa kanya.
Nakita kong tiningnan niya ako noong nakahinto kami. "I hope you're fine too. Namumutla ka." Hinawakan niya ang noo ko para tingnan ang temperature ko. Kaagad ko namang inalis ang kamay niya. "Relax. I'm just checking your temperature."
"I'm fine. Green na iyong light, tara na."
Tinatawagan ako ni Angelo pero hindi ko sinasagot. Kailangan kong makita si Kianna. Baka pigilan niya ako kapag sinagot ko ang tawag niya.
Tumawag siya kay Ezekiel.
Sinagot niya pero nakaloud-speaker, hindi naka-bluetooth ngayon kasi baka nagmamadali siya.
"Kiel, ibalik mo sa apartment si Renren. Ngayon na." Galit na naman siya.
"Pupunta lang kami sa ospital," sagot niya sa kaibigan.
"Kiel—" Hindi na niya naituloy iyong sasabihin niya kasi binabaan ko na. Tinanong nga ako ni Ezekiel kung bakit ko binabaan si Angelo. Sabi ko nalang ay dapat siyang mag-focus sa pagda-drive. Totoo naman pero baka kasi kung ano pa'ng sabihin ni Angelo sa kanya. Mamaya ko nalang haharapin iyong galit niya. Sinusubukan ko kasing tawagan si Kianna pero hindi niya sinasagot.
BINABASA MO ANG
✓ Not Giving Up On Love BOOK 1 (Preview)
RomanceREAD THE COMPLETE CHAPTERS ON DREAME Paano mo malalaman na dapat nang sumuko at bitiwan ang pagmamahal mo sa isang tao? Sino ang susuko sa pag-ibig? Ikaw ba o siya? Si Ezekiel ay isang lalaki na sobrang mahilig sa babae at bar. Nagbago siya noong na...