Natapos ko na lahat ng dapat kong gawin sa campus. Mabuti nalang, dinala ko na iyong uniform ko para diretso work na ako. Working student ako. Scholar sa Top-Field University (ToFU) kaya nakakapag-aral ako pero once na mapabayaan ko ang pag-aaral ko, tanggal na ako sa scholar. Last year naman kaya kakayanin ko. No maintaining grades naman ang scholar ni Sir Gerald, basta no failing grades lang.
Kakalabas ko lang sa gate ng campus pero may humarang na sasakyan sa dadaanan ko. Si Angelo? What, now?
Badtrip na nga ako kanina pang umaga dahil hindi ko na naman maalala kung saan ko naiwan ang relo ko. Sobrang importante pa naman sa'kin ng relo na iyon. Tinanong ko na si Kianna kung naiwan ko sa bahay nila or sa kwarto ng kapatid niya, pero wala naman. Saan ko kaya iyon naiwan? Hindi ako makapag-isip ng matino dahil iniisip ko kung saan ko iyon naiwan. Hindi pwedeng mawala ang relo na iyon.
Kanina rin ay nangungulit si Ezekiel kasi itinatanong niya kung bakit kami nag-uusap ni Angelo as if bawal kaming mag-usap. Hindi ko rin alam kung bakit interesado siyang malaman samantalang pwede naman niya iyon itanong sa kaibigan niyang si Angelo. Basta, ang kulit nilang lahat.
Hindi ko naman kailangang mag-explain sa kanilang lahat 'di ba? Nakakasawa na i-explain ang sarili ko.
"Ano'ng problema mo?" naiinis na tanong ko sa kanya. Gusto na naman yata niya na magkasakitan kami bago niya ako iwasan ulit.
Bumaba siya at lumapit sa'kin. "Ihahatid na kita."
"Leave me alone, kaya kong mag-isa." Mahinahon ako kapag kausap ko siya dahil ayaw kong nakikita ang itsura niya kapag nasasaktan siya sa mga salita ko.
"May sinabi ba akong hindi? Ihahatid lang kita, Renren, walang masama roon. Ayaw mong magpahatid sa'kin pero nagpapasundo ka kay Kiel? Tapos magtataka ka na iniisip kong nililigawan ka niya?" Bakit napasok na naman si Ezekiel sa usapan!?
"Mayroong masama roon, Angelo. Hindi mo naman ako responsibilidad. Tsaka ipaalala mo nga sa'kin kung bakit ulit tayo nag-uusap." Umiling lang siya sa'kin. Sigurado ako na naiinis na siya sa tono ng pagsasalita ko.
"Napapansin ko na iba ang closeness niyo ni Kiel. Panghahawakan ko iyong sinabi mo na hindi siya nanliligaw sa'yo. At si Vince, binasted mo na siya pero bakit lapit nang lapit sa'yo?" Ano naman sa'yo? Gusto ko iyan isagot kay Angelo pero sigurado ako na hahaba lang ang usapan namin.
I rolled my eyes, iyong kitang-kita niya para malaman niyang hindi ako natutuwa sa ginagawa at sinasabi niya.
"Sino pa'ng nakita mong kausap ko? Ano na naman ba 'to, Angelo? Tigilan mo na rin ako."
Umiling ulit siya. Sumakay na siya sa kotse at mabilis na nagpatakbo.
Kaagad ko siyang tinawagan. Kaasar talaga!
["You knew, I'm driving. What do you want?"] ganting pagsusungit naman. Alam niya ang kahinaan ko kaya malakas ang loob niya.
"Be careful! Bakit ba ang bilis mong magpatakbo?"
["None of your business, Renren. Right?"]
"Okay!" Pagkatapos ay binabaan ko na siya. Nagpatuloy na ako sa paghahanap ng sasakyan papunta sa work. Hahayaan ko na nga lang siya. Malaki na siya!
My life is so boring. Campus then apartment (or Kelly's house) then work then sometimes bar, park or somewhere na makakapagrelax ako. Diyan lang umiikot ang mundo ko. Hindi madali. Especially, kapag uuwi ako ng bahay na walang ibang tao kung hindi ako lang. Gusto kong nakikita at nakakasama ang pamilya ko pero ayokong napapalapit sa kanila kasi may nangyayari sa kanilang masama kapag lumalapit ako. Malas, kumbaga. Yes, 21st century pero naniniwala ako sa ganiyan dahil iyon ang gusto nilang paniwalaan ko.
BINABASA MO ANG
✓ Not Giving Up On Love BOOK 1 (Preview)
RomansaREAD THE COMPLETE CHAPTERS ON DREAME Paano mo malalaman na dapat nang sumuko at bitiwan ang pagmamahal mo sa isang tao? Sino ang susuko sa pag-ibig? Ikaw ba o siya? Si Ezekiel ay isang lalaki na sobrang mahilig sa babae at bar. Nagbago siya noong na...