Chapter 5

4.4K 109 20
                                    


Haha...hindi agad nakapag-update.Busy po sa panonood ng isang Turkish drama series... Pogi ng bidang lalaki dun.Search "Can Yaman"...

Enjoy reading everyone!!!

Titig na titig si Jessica sa lalaking nasa harapan niya.Hindi niya alam kung nasisiraan ba ito ng bait o talagang pinagtritripan lang siya?Sino ba namang tao ang nasa matinong kaisipan ang mag-i love you sa taong pangalawang beses mo pa lang nakikita?

Dumukwang siya sa mesa at inilapit ang mukha sa binata." Are you into drugs?Bangag ka eh."

Ngumiti ng ubod tamis ang binata."We've only met twice but i have known you a long time ago,princess. Matagal na nga kitang hinahanap,kaya ngayon na nakita na kita,gagawin ko ang lahat maging tayo lang.Maging akin ka lang."

Nagulat ang binata ng hawakan niya ang magkabilang pisngi nito.Bago pa ito makapag-react ay naiuntog na niya ang ulo sa noo nito.

"Aw!Aw!Ouch!Why did you do that?Shit!Nabasag ata ang bungo ko doon ah?"

"Talagang mababasag ang bungo mo kapag hindi ka pa tumigil sa kalokohan mo!Buwisit ka!"

Panay parin ang ang mura ng binata habang hinihimas ang noo nito.But she can see the way he stared at her.Na para bang siya lang ang nakikita nito.Hindi siya makapaniwalang maaapektuhan siya sa pagtitig pa lang nito.She didn't need such sensation right now.

Wala sa loob na umangat ang paa niya sa ilalim ng mesa at sinipa ang binti ng ni Kent.

She heard him cussing. Nakakatawa ang itsura nito na animo bata.She encourage him to come near at ng halos magkapantay na ang mukha nila,bumukong siya dito.

"Sa susunod mangangati ang alaga mo,huwag ako ang kulitin mo,ha?"

She saw the shock on his face.

"My God,woman!Your mouth is something."

"Whatever!At pwede ba,umalis ka sa harapan ko.Nakakairita ang pagmumukha mo."

Nagawa pang ngumiti ng binata."Sa gwapo kong ito,nakakairita pa ang pagmumukha ko?"Sabay turo sa sarili.

Huminga ng malalim ang dalaga upang hamigin ang sarili.The man infront of him was unpredictable. Hindi niya alam kung anong trip sa buhay.Siya pa ang napiling pagtripan.Inangat niya ang whiskey na iniinom at dinala sa mga labi.Ramdam niya ang pait noon na gumuhit sa kanyang lalamunan ngunit nagbigay iyon kaginhawahan sa kanya.

"Can I court you?" Muntik na niyang maibuga ang alak na iniinom dahil sa sinabi ng binata.

Hindi na niya ito sinagot at nagmamadaling lumabas ng bar nito.Akma namang susundan siya nito ng biglang may tumawag ng pangalan nito.Ethan.His older brother.

Nagmamadali naman siyang lumabas ng bar at dumiretso sa kanyang sasakyan.Hindi siya pwedeng umalis kahit gusto niya.She wouldn't risk gis life now.Alam niyang nasa paligid lang ang mga kalaban.Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang tracker na pasimple niyang ikinabit sa binata kanina.Tumango tango siya ng makitang maayos naman ito.Kaagad naman siyang nagpalit ng damit.Nakaready ang lahat sa loob ng kanyang sasakyan just in case simething happens. She decided to wear a gray sweat shirt with a black leggings and a rubber shoes. Mas kumportable siyang gumalaw kapag iyon ang suot niya.

Heavily tinted ang kanyang sasakyan kaya hindi siya nakikita ng mga tao sa labas subalit kitang-kita niya ang mga nangyayari sa labas.And she can sense somethings not right.Something's off.

Naging alerto ang dalaga ng makita niyang lumabas ang binata.Palinga-linga ito,animo may hinahanap.Akma na sana itong babalik ito sa loob ng bar ng may humintong van sa tapat nito at sapilitang isinakay ang binata.

GUEVARRA BROTHERS SERIES 2(Kent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon