Melody Entry #5: Why!?

5 1 0
                                    

(Same day nung kumanta sila JM ng Runaway.)

Jaejin's POV

"Kainan na!" Malakas na sigaw ni Laurent nang makapasok kami sa cafeteria.

Kaagad naman syang nilingon ng mga estudyante sa loob ng cafeteria. Hindi ko maiwasang mapailing.

Tsk. Mukha talaga syang patay-gutom.

"Ano'ng klaseng mukha yan ah, Mr. Assistant Manager?" tanong sa akin ni Jeremy at umakbay.

"Huwag ako, Jeremy." sabi ko sa kanya at tinanggal ang pagkakaakbay nya sa akin.

"Hoy, Nate! Ang sungit na naman ng kapatid mo!" sigaw ni Jeremy kay Nate.

Napairap na lamang ako habang tinitignan ang schedule nila. I'm their assistant manager. Marco Sy is their manager. But since, he's the CEO now, hindi na si Marco Sy ang humahawak sa kanila ngayon. Nakilala namin si Marco Sy habang nag-o-audition ang banda nila sa Sy Entertainment. Isa si Marco Sy sa mga naging panel ng audition which makes it lucky enough para makapasok sila. Marco Sy made them play at his own bar while they are waiting for their debut. After a year, they signed a contract and made them officially an artist of Sy Entertainment. Doon lang din namin nalaman na anak pala sya ng CEO and Founder ng Sy Entertainment.

Binubuo ng limang miyembro ang The RAIN; Ice or Isaiah Carl Elton Angeles, ang leader ng banda and one of the vocal. Tinatawag namin syang Ice, hindi dahil sa iyon ang initial ng pangalan niya but because of his cold attitude. He won't talk unless it's needed and he's temperamental. Ang hirap hulaan ng mood niya.

Yung patay-gutom na nagsalita kanina is Laurent Kim, the Drummer and also, a vocalist. Our cousin. Number 1 sa kalokohan. Napakaingay, napakalikot at nakakairita. But sometimes, he's serious like hell. Baliw ata. Medyo playboy at lapitin talaga ng babae tulad ni Jeremy.

Next is Zeke Jay Arroyo, the band's lead guitarist. Like Ice, tahimik din siya. 160 character man. Minsan mukhang pasan niya ang mundo. He's a very mysterious guy. He has a lot of secrets. Kahit matagal na kaming magkakasama, hindi sya nagkukwento sa amin. And oh, he's always sleeping.

Then, my twin brother, Nathaniel Kim. We're fraternal twins. He's the band's bassist. The Mr. Good Guy kung tawagin nila. Kabaligtaran ni Laurent talaga. And I can say na sya ang pinaka matino sa kanilang lahat.

The last one is Jeremy Jung, the second guitarist, and a vocalist too. Partner in crime ni Laurent. Medyo matino na ewan at mapang asar. Kung si Laurent ay napakaingay, si Jeremy, doble ang kaingayan. Kulang na lang ay palayasin sya nina Ice at Zeke but they're patient as a rock. Hindi ko nga alam kung paano nila natitiis ang kaingayan nitong si Jeremy.

2 years pa lang sila sa industry but they won many awards kaya naman gustong-gusto sila ng mga tao. But there are also those people who doesn't like them.

Iginala ko ang tingin at napansing wala yung Park twins and Company na kung tawagin nila Laurent ay Devil's daughters. Mga baliw talaga.

Loko kasi itong si Laurent e, alam nang malakas din ang trip nung kambal tapos inuunahan nya pa. Sobra pa naman minsan gumanti iyong kambal. Hay... Habulin talaga ng gulo si Laurent.

Pagkatapos naming kumain, bumalik agad kami sa room dahil pagkakaguluhan na naman itong mga ulaga na to.

Pagbukas pa lang ng pinto, sumakit agad ang ulo ko dahil napakagulo nila. Puro lalaki ba naman kami dito, ewan ko na lang talaga. Well, the twins' are the masterminds, of course. Ewan ko ba kung anong trip nila at pinaghiwalay nila ang boys at girls dito sa SC. Di ko din alam kung bakit sila pinayagan.

Iiling-iling akong umupo sa upuan ko at naglabas ng phone. I checked their schedule para mamaya. I was scrolling through my phone when I heard a feedback.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Their Music Match♪Season☆1♪ |NEW BOOK|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon