Chaper II
Si Isadora
Sa isang mansion sa loob ng pribadong subdivision sa Alabang, magkasunod na pumasok ang sasakyan nina Cris at Bella. Sabay silang bumaba ng sasakyan at nagkatitigan. Napangiti si Bella kay Cris.
"Hi, andito ka din ba dahil dun sa wierdo doctor na yun?" Tanong ni Cris
"You mean si Isadora?" ani Bella
"Yeah siya nga, ang weird niya no?"
"Ganun talaga si Mama" Napapatawang sambit ni Bella
"Ay sorry, I didn't mean na.." namumula sa hiya si Cris
"Eto naman, joke lang yun, I totally agree with you, weird nga siya" nakangisi si Bella
"Kainis to..akala ko naman nanay mo talaga yun" naka ngiti na rin si Cris. Lumapit siya kay Bella at nag pakilala "Hi, my name is Cristina, pwede ba sabay na tayo pumasok sa house na to, natatakot ako eh."
"Sureness sis, ako nga pala si Isabella, pero Bella na lang" Magaan agad ang loob nilang dalawa sa isa't isa. Normal naman yun may mga tao talaga na kinagagaanan ng loob natin kahit bagong ka kilala pa lang diba?
"Thanks, kinakabahan ako eh, pero ewan ko ba kung bakit ako pumunta dito" pag amin ni Cris
"Ako din eh, pero madami daw siya alam tungkol sa akin eh" si Bella
Lumakad sila papunta sa Pinto ng malaking bahay.
"oh you knock na" sabi ni Bella
" e bat ako?" napa urong si cris
" para kang bata" natatawang sabi ni Bella
"Hmmmppp" parang medyo na inis si Cris at nag tapang tapangan. Dumiretso sa may pinto at kinatok niya ito. "wala atang tao" aniya
Lumapit si Bella sa pinto at ginalaw galaw ang door knob " e bukas naman eh, tumuloy na tayo.." binuksan nila ang pinto at nagpatuloy sila. Nakahawak si Cris sa braso ni Bella, halatang takot ito. Malaki ang kabahayan, malinis at elegane, sa sofa nakaupo ang Doctor.
"I see you guys have already bonded" pagbati ni Isadora "Have a seat"
"good evening po" sabay na pag bati ng dalawa
"good evening" naka ngiti ang matanda
"I only came here kasi sabi mo kilala mo ang parents ko" direct to the point ang tanong ni Bella sa matanda
Napatingin si Cris kay Bella " Hindi mo kilala ang parents mo?" tanong niya
"I am adopted" pag amin ni Bella
"So m I.." si Cris
"And so the story begins" pag singit ng matanda
Napatingin si Cris at Bella kay Isadora " By now you guys have figured out na somehow you two are related. Let me make it clear. Magkapatid kayo. Kambal in fact. Fraternal twins." (Identical Twins ay kambal na nadevelop sa iisang zygote, kaya magkamukhang magkamukha, hence identical. Fraternal naman sabay na na-fertilize ang mag kaibang egg cell, sabay na nadevelop)
Nakatitig ang mag kapatid kay Isadora."Mula kayo sa lahi ng mga Babaylan. May taglay kayong kapangyarihan."
"Stop! Who are you? Sino ka ba?" Tanong ni Cris
"Kapatid ako ng Lola ninyo, let me continue.."
"Asan ang tunay naming magulang?" Si Cris pa din
Si Bella nakatitig lang kay Isadora, pilit na binabasa ang isip ng Matanda
"Wait, Babaylan, you mean priestess?" tanong ni Bella
BINABASA MO ANG
Babaylan
Teen FictionBago pa nasakop ng mga dayuhan ang Pilipinas ay may sarili na tayong kultura at relihiyon. Mga paniniwala na pilit pinaltan at binago ng mga mananakop. Isa na dito ang tungkol sa mga Babaylan. Mga kababaihan na may kakaibang talino, sila ang tumata...