Si Victorina
Sa isang bahay na bato nag tipon tipon ang mga Babayan. Ito ang araw na pipiliin ang pinaka bagong Punong Babaylan. Si Pascuala ang Punong Babaylan ay may edad na, at kahit taglay niya ang kapangyarihan at karunungan ay napag desisyonan niya at g Lupon na pumili na ng hahalili sa kanya. Sa oras na makapili ng bagong Punong Babaylan, si Pascuala ay mananatiling taglay ang bendisyon ng lupon pero ang mga desisyon at mga batas ay ipatutupad na ng bagong hirang na Punong Babaylan.
Labing dalawa ang bumubuo sa Lupon ng mga Babaylan. Bawat isa sa kanila ay may taglay na kakaibang talento at salamangka. Sila ang nag hahalal ng kandidato na maaring maging leader ng grupo, sila din ang pumipili ng punong babaylan kapag hindi na kapili ng hahalili ang kasalukuyang naka upo sa trono.
Sila din ang naggagawad ng bendisyon ng Lupon. Ang bendisyon ng Lupon ay makapangyarihang ritual kung saan ang napiling Babaylan ay pinagkakalooban ng di ma sukat na kapangyarihan. Ang sino mang may taglay ng bendisyon ay maaring bumigkas ng orasyon at parang ang buong lahi ng mga babaylan ang bumigkas nito ng sabay sabay. Kapalit ng bendisyon ay ang pangako ng hinirang na Babaylan na pamunuan at proteksyonan ang kanilang Lahi.
" Magandang Gabi sa inyo mga kapatid" Pagbati ng matandang nakasuot ng pang maria clara. Ito ay si Pascuala, ang kasalukuyang punong babaylan. Itinaas ni Pascuala ang kanyang mga kamay at sabay sabay nag sindi ang lampara sa paligid.
Sa likod ni Pascula ay labing dalwang tao, walong babae at apat na lalake. Sila ang kasalukuyang lupon. Tumalikod si Pascuala at naupo sa silya. Ikinaway niya ang kanyang kanang kamay, senyales na simula na ang pagtitipon. Nagsi upo na ang Lupon sa Tabi ng Punong Babaylan. Anim sa kanan, anim sa kaliwa.
Sa likod ni Pascula ay isang lalake na naka barong may hawak na tungkod ang nag salita. "Mga kapatid alinsunod sa tradisyon, pipiliin ng punong babaylan ang kanyang magiging kapalit sa trono. Hindi ibig sabihin nito na isusuko niya ang kanyang kapangyarihan, ipinapasa lamang niya ang obligasyon ng pag protekta at pagsiguro ng pag papatuloy ng ating lahi." Itinoktok ng lalake ang kanyang tungkod. " Ipakilala na ang mga kandidato"
Tumayo ang dalwang babaeng miyembro ng lupon sa dulong kanan ni Pascuala. " Ako si Isidra" pakilala ng mas naka tatandang babae " ako naman si Rufina" , si Isidra ay naupo at nag patuloy mag salita si Rufina "Napag kasunduan naming ihalal ang Babaylan mula sa Bulacan na si Modesto Crus" Mula sa pintuan sa likod ng mga panauhin ay lumakad papasok ang isang binata, mga edad 20, makisig ito at matangkad. Lumakad ito at lumuhod sa harap ng Punong Babaylan at ng Lupon. Sunod na tumayo ang lalake sa tabi ni Rufina.
"Ako si Crisostomo at aking inihahahalal ang aking anak na si Diego Mireles" Pumasok ang isa pang binata mga edad 24.
Tumayo ang lalake na pinakamalapit sa tabi ni Pascuala " Ako si Hermogenes, at inihahalal ko ang apo ng Punong Babaylan, si Victorina" Tumingin si Pascuala kay Hermogenes na para bang hindi nito gusto ang ginawa ng miyembro ng lupon
Pumasok si Victorina, suot ang isang simpleng baro't saya, nasa edad de sa-sais (16) pa lamang siya. Nakatungo ito at parang iniiwasan ang mata ng kanyang lola.
Sa kabilang dulo ng lupon tumayo ang siang matandang babae siguro ay ka edad ito ni Pascuala. " Ako si Rosalina, at inihahalal ko ang isa pang apo ni Pascuala, Si Isadora!" halos pasigaw na sinabi ng matanda. Nag bulungan ang mga panauhin.
"Silensyo" Muling itinoktok ng lalake ang tungkod niya, at pumasok si Isadora, 18 anyos ito. Nakatingin ito sa mga miyembro ng lupon. Malakas ang dating ni isadora.
"Ako si Henobeba" tumayo ang babae na pinakamalapit kay Pascuala " at inihahalal ko si Criselda Monte Mayor" pumasok ang isang babae na may suot na maraming alahas at mamahaling barot saya.
![](https://img.wattpad.com/cover/11641630-288-k228361.jpg)
BINABASA MO ANG
Babaylan
Teen FictionBago pa nasakop ng mga dayuhan ang Pilipinas ay may sarili na tayong kultura at relihiyon. Mga paniniwala na pilit pinaltan at binago ng mga mananakop. Isa na dito ang tungkol sa mga Babaylan. Mga kababaihan na may kakaibang talino, sila ang tumata...