"sorry"
One word,five letters pero milya milyang tusok sa aking puso.
Masakit dahil hindi niya ako kayang panagutan.
Masakit dahil hindi niya ako kayang ipaglaban.
Masakit dahil mas pinili niya ang babaeng ipapakasal sa kanya.
Masakit dahil hindi siya naniniwala na siya ang ama ng aking dinadala.
Sobra....Sobrang sakit.
Ang akala ko pag nagpabuntis ako,ako ang pipiliin niya at ipaglalaban ako sa pamilya niya at ako ang papakasalan niya.
Pero nag kamali ako.Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Kung sana pinigilan ko ang sarili kong mahulog sa kanya para hindi na umabot sa ganitong sitwasyon.
Kung sana kaya kong ibalik ang panahon na masaya tayong dalawa.Na kahit mag bestfriend lang tayo ay ramdam ko ang halaga ko sayo na ramdam ko ang pagmamahal mo sakin bilang bestfriend mo.
Pagak akong napatawa.
Sanay naman na ako hindi ba? Halos 6 years kong tinago ang nararamdaman ko sa kanya at wala akong balak umamin dahil natatakot ako.
Natatakot akong layuan niya ako.
Kuntento na ako sa pagiging bestfriend niya.
Hanggang sa isang gabi.
Lasing kaming pareho.Naglabas siya ng hinanakit niya.Ipapakasal siya sa babaeng hindi niya mahal para lang mas lumago ang negosyo nila.
Doon ako napaisip.Doon ako nag plano at nagtagumpay naman ako.
Ilang araw rin ay nagpakita ng mga signs na buntis ako.Pero syempre nag pa check up ako para sure.
At ganun ako kasaya ng 2 weeks na akong buntis.Pumunta ako sa office niya.
At ng sinabi ko ang magandang balita.Pero gumuho ang mundo ko ng isang salita niya lamang.
"Sorry"