Kaka hatid ko lang si venelope kay ate denelyn.Mag aalas otso palang ng may naalala akong importanteng bagay.
Bumalik ako sa apartment at saka hinanap ang bagay na yun.
"Aha!" Pilit kong inabot ang brown na envelope sa ibabaw ng tokador namin dito sa kwarto.
Pagkaabot ko,pinunasan ko siya dahil medyo maalikabok na ito.
Balak ko kasi mag aaply pa ng isa pang trabaho hindi kasi sapat ang sinesweldo ko sa bakery.
Nilagay ko ito sa bag ko at saka lumabas.
Pagkalamabas ko ng gate ay agad kong napansin yung pulang kotse na nakita ko kagabi.
Pero nasa malayong distansya na ito hindi katulad kagabi na nasa tapat ng apartment.
Hindi ko na lamang pinansin at naglakad na sa sa paradahan ng jeep.
Nagpaalam ako sa amo ko na uuwi ako ng maaga pero ang totoo ay maghahanap ako ng iba pang trabaho.Mag aalas tres pa lang ng hapon at hindi pa ako na nananghalian.Tinitipid ko kasi ang pera ko at nagiipon ako para sa birthday ng anak ko.
Isang buwan na lang at magaanim na taon na siya at balak ko na siyang ienroll sa school sa next school year.
--------
Napatingala ako sa malaking gusali na nasa harapan ko.
Sobrang taas nito na halos hindi ko na makita ang tuktok nito.
Balita ko kasi kahit wala experience o hindi nakapagtapos ng college ay may trabaho parin na ibibigay sayo.
Kahit janitress lang okay lang sakin basta may kikitain ako.
Izquierdo
Basa ko dun sa building.Parang narinig o nabasa ko na yan pero hindi ko alam kung saan.
"Miss anong kailangan nila?" Tanong sakin nung guard.
"a-ah mag aaply sana"sagot ko.tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Parang naman ako na konsyus sa suot ko.Malaking t shirt at medyo maluwag na pants.Alam kong badoy ako sa suot ko pero wala na akong damit pinaglumaan ko na nga ito eh.
" college graduate po ba miss?"
"Hindi po eh" sagot ko.
May kung anong ginawa niya sa computer niya.Hanep pati ang guard may computer.
"Tingin po kayo sa camera miss" napa "huh" ng bigla nalang may nag flash sa harap ko.
Kumurap kurap pa ako dahil talagang nasilaw ako."Miss punta po kayo ng 10th floor yung ceo mismo ang magsasabi kung ano ang magiging trabaho mo" sabi niya at itinuro sakin kung saan ang elevator.Nagpasalamat ako at umalis na.
---------
*ting*Tunog ng elevator ibig sabihin nandito na ako sa 10th floor.
Lumabas na ako ng elevator at luminga linga sa palagid.
Puro tao na masisipag na magtrabaho.Yung iba kung ano ang ginagawa nila sa computer nila at yung iba naman may insenexerox na maraming papel.
Lumapit ako sa isang babae na malapit sa pinto na kulay ginto.
"A-ate" tawag ko sa kanya.Napaangat siya ng tingin at tinaasan ako ng kilay.
"Yes?" Mataray nitong tanong.Napalunok ako.
"Mag aaply po ako ng trabaho" kinakabang sabi ko.
Katulad ng guard kanina tinignan niya rin ako mula ulo hanggang paa.