"Venelope! Wag kang malikot baby binibihisan ka pa ni mama" suway ko sa limang taong gulang kong anak habang pilit pinapasuot ang dress sa kanya.
"No no no" Pigil nito sa aking mga kamay ng nakasuot na ang damit a ulunan niya.
"Baby,kailangan mo magbihis.Sige ka magtatampo si mama" panakot ko sa kanya at effective naman ito dahil siya na mismo nag suot ng dress niya.
Ako pala si Jillian Mae Gallardo,24 years old at nakatira kami sa isang apartment malapit dito sa pinagtratrabahuhan kong bakeshop.
Mula ng maisilang ko si venelope puno ng takot at pagaalala kung paano ko siya mabubuhay, Walang wala talaga ako sa panahon na yun.
Namatay na ang aking magulang nung ako ay 18 years old palang ako.Natuto akong magtrabaho kung saan saan para lang may pangkain ako at pagbayad para sa college ko.
Hindi ko alam kung paano ko yun nakayanan.Umabot ako ng 4th year.Nahirapan ako dahil wala na akong mapasukan na ibang trabaho kesyo sobrang bata pa daw ako hindi sila naniniwala na 19 years old na ako kahit na may naipakita na akong birth certificate.Doon naman pumasok si Tyron Izquierdo sa buhay ko.Ang pamilya niya ang pinaka #1 sa ranko ng mga mayayaman sa buong pilipinas.Nag mamay ari sila ng mga hotels,hospitals at resorts.
Mag classmate kami ni tyron nung 4th year.Tranferee siya from spain.Una palang alam ko na masungit siya dahil na rin sa makapal nitong kilay.Pero napatunayan kong dont judge a book by its cover dahil napaka sama niyang tao talaga! Walanv araw na hindi niya ako asarin,minsan ng buksan ko ang locker ko puro bulok na banana peel ang bumungad sakin and ending ako ang pinagalitan ng dean dahil makalat daw ako.
Pero ng minsan punong puno na ako,hindi na ako pumasok.Isa na rin sa dahil na wala na akongmaibayad sa tuition ko dahil wala na talaga akong mapasukang trabaho.
Naglalakad ako sa tirik ng araw para mag hanap ng trabaho ng makita ako ni tyron.
Nagaalala daw siya sakin.Dami ko na daw na miss na lesson.Pero ang salita na talagang tumatak sa utak at puso ko ay yung humingi siya ng tawad.
Sa isang simpleng "sorry" niya lang natunaw ang galit ng aking puso sa kanya.
Mula nun bilang pambawi daw sa lahat ng nagawa niya sakin,siya ang nagbayad ng tuition ko at fully paid pa! Sobra ako nagpapasalamat dahil wala na akong poproblemahin kundi ang gastusin ko nalang sa pang araw araw.
Mula nun ay naging mag bestfriend na kami.
Tawanan,kulitan at lambingan.Iisipin ng iba na mag jowa kami dahil sa sweet naming dalawa pero wala kaming pakealam.
Hindi ko alam ang nangyari sakin ng una ko siyang nakita na may kasamang ibang babae.
Alam kong classmate niya yun at wala naman silang ginagawang mali.Naguusap lang naman sila yun lang naman,pero hindi ko maitindihan ng mag tawanan sila na parang ang close close nilang dalawa dun ko naramdam ang sakit sa aking puso.
Hindi ako ignorante kung ano tong nararamdaman ko dahil minsan na ako nagbasa ng mga romance novels.
Pero ang hindi ko inaasahan ay mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Napatingin ako sa anak ko ng binibigay niya sakin ang teddy bear niya.Ngumiti ako at hinalikan ko siya sa noo.Iniwan man ako ng lalaking mahal ko, may anghel naman dumating sa buhay ko at yun ay si baby venelope ko.
Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ay saka ko inayos ang mga gamit ni venelope.
Iniiwan ko kasi siya sa kapitbahay ko na si denelyn dahil hindi ko siya pwedeng dalhin sa trabaho ko.