Apple Marie Magallanes
I have learned the art of deadma. I am not that girl who used to go crazy about you. I’ve grown up. Feelings have changed. #wattpad
Ilang beses sa isang araw kung makapag-post si Apple ng kanyang status sa Fb. Iisang tao lang naman ang pinariringgan niya nito. Ang kinababaliwan niyang si Lance. The guy she’s totally smitten with... BEFORE...
---
Nasa elementary pa lamang siya ay crush na crush na niya ito. Lalong lalo na dahil pinsan ito ng bestfriend niyang si Gem.
Since she and Gem are the best of friends, palagi siyang pumupunta sa bahay nila. Behind that is her one true great mission. Hindi alam ng bestfriend niya na kinukuhanan na pala niya ng mga pictures gamit ang cellphone yung mga litrato na meron si Lance doon sa family album na nakadisplay sa sala. Wala siyang may pinagsabihan tungkol sa sekreto niya. Pero mas nagiging madaldal siya kapag nandoon si Lance kina Gem. Gusto niya kasing magpapansin kahit na minsan ay hiyang-hiya na siya rito.
“Sino ba kasi ‘yang crush mo? Kilala ko ba siya?” tanong ni Gem sa kanya.
Dalawang linggo na silang nagpapractice ng kanta para sa graduation nila. In less than three months ay mag-ha-high school na siya. Just plainly thinking about it, na-eexcite na siyang mag first day of class. Especially that she will be able to see Lance more often. Ang elementary department kasi ay nakahiwalay sa high school.
Nagkibit-balikat na lamang siya bilang sagot sa bestfriend niyang masiglang sumasabay sa graduation song na tinuturo ng teacher nila sa unahan.
---
Lance is in its third year. Kinababaliwan siya kahit ng mga senior girls. Magaling kasi itong pumorma plus the fact that he doesn’t just have the charm but also the wits. Naging Senator siya sa Supreme Student Government nila and everyone wants him to be the president for the next academic year. There’s always conviction in his words. That’s why some find him bossy and conceited instead. He’s nice but not that approachable.
Naiinis siya kapag panay ang sunod ng mga ka-schoolmates niya sa kanya, especially those in the lower years. Ayaw niya sa mga babaeng sobrang clingy, madaldal at maarte. He prefers conservative and very well-mannered girls.
Gwapo nga, mayabang naman. ‘Yan ang naririnig niya sa iba.
Eh ano naman? May ipagmamayabang naman siya. He let himself believe that logic.
---
Apple doesn’t mind what others think about him. Ibang-iba ito sa mga mata niya. Para sa kanya, si Lance na ang pinaka sa lahat. Pinakagwapo. Pinakamabait. Pinakasikat. Pinakamatalino. Pinakacute. Pinakamabango. Lahat lahat na lang. Baliw na baliw siya rito. Even to the point of making love letters.
Inuumaga na siya ng tulog araw-araw sa kaka-research sa internet ng mga love quotes and messages. She would write them in her favorite stationeries, na minsan ay bagong bili pa niya, tapos ay araw-araw niya itong hinuhulog sa locker ni Lance na patago.
Napapagalitan na rin siya ng Papa niya dahil ang dali maubos ng ink ng pinter nila sa bahay. Tatlong folder na ang naku-compile niya sa mga pinagpiprint n’yang pagmumukha ni Lance. Meron din siyang isang malaking kahon na ang laman ay mga samu’t saring bagay na may kinalaman dito... yung sample ballot na pinamigay noong nagpatakbo si Lance bilang Senator sa SSG... yung plastic bottle na pinag-inuman ni Lance sa canteen... yung recorded test paper nito na kinuha niya sa faculty room minsan nang inutusan siyang dalhin doon ang gamit ng teacher nila.

BINABASA MO ANG
The Forbidden Fruit
Cerita PendekIt's the hardest thing I'll ever had to do, to turn around and walk away pretending I don't love you- The Hardest Thing, 98 Degrees Apple and Lance - side story from Love on a Balance Sheet <3