Paano Magmahal ng Amerikana - Introduction

93 1 0
                                    

Sa buhay ko, andami ko ng nakitang mga mag-asawang hindi parehas Pilipino. Kumbaga, si babae Pilipina, si lalake Kano. Minsan, Arabo. Sabi ng iba, nagtrabaho si babae sa ibang bansa, tapos nakilala si lalake, yun na. Sila na. Mahilig daw kasi ang ibang foreigner sa kung tawagin ay “exotic taste”.

Pero bakit ganun? Bakit laging babae ang Pilipino? Ni minsan sa buhay ko, hindi naging tipikal ang lalaking Pilipino at babaeng banyaga ang nagkatuluyan. May alam akong ilan, pero mayayaman naman yung mga lalaki? Diba, parang bakit? Kailangan mayaman ang lalaki para makapangasawa ng foreigner na babae? Diba parang unfair? Papano nalang yung mga mahihirap na lalake na nagkatuluyan sa mayaman na babaeng banyaga? Sobrang labo na ba talagang mangyari yun?

Lagi kong natanong sa sarili ko yun, pero di ko akalaing makakakita ako ng ganung klaseng pag-ibig sa buong buhay. At hindi ko lang basta nakita, kundi naranasan ko pa.

Ako si Marvin. Gusto kong ibahagi ang kwento ko sa inyo at kung paano nangyari ang isang nakapa-imposibleng kaganapan na ito sa buhay ko. Samahan niyo din akong alamin … kung paano magmahal ng isang Amerikana.

Paano Magmahal ng AmerikanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon