Paano Magmahal ng Amerikana - Chapter 1

67 1 1
                                    

“Oy pare! Andito ka lang pala malapit sa department office eh. Kanina pa ka namin hinahanap!”

“Uy, Red! Takte, kanina ko pa kayo inaantay? San ba kayo galing? Di niyo ba natanggap text ko?”

“Lowbat ako. Sensya na, Marvin.”

“Hay. O siya, kanina pa tayo inaantay ni Dr. Tan sa loob.”

Nakikita mo ba yung matangkad na lalaki na yun? Hindi yan. Yung naka-itim na polo. Ayan. Yung may hawak na green na folder? Ayun, kuha mo. Ako yan. Ang pangalan ko ay Marvin.

Yung kaninang matangkad na lalaking tiningnan mo, yan si Isko. Si Red naman yung naka-puting t-shirt sa kanan niya. Bakit kamo hindi red ang suot niya? Naaasar siya kapag red ang suot niya, so ayun.

Tapos yang isa, yan si Justin. Ang papogi sa tropa. Sorry nalang kung na-inlove ka, dahil may syota na yan. 2 years na pala sila, by the way.

O siya, tama na pagpapakilala. Malapit na kami kausapin ni Dr. Tan sa loob ng department office.

“Mr. Marvin Villalobos, good morning. Please, have a seat.”

Naupo kaming apat sa sofa na nakaharap sa table ni Dr. Tan, medyo nagbibiruan pa bago siya magsimulang magsalita.

“I was told that you have a concern regarding your internship, Mr. Villalobos. Could you please tell me?”

“Ah, yes sir.” Tumuwid ako sa pag-upo para mukhang seryoso. “We, the four of us, received an email explaining that they offered us an internship in Washington, D.C. They said they will cover all expenses, including our plane ticket. And all they need is your approval and also of the school.”

“Let me ask you one thing, gentlemen. Gusto niyo ba talagang mag-OJT sa ibang bansa?” tanong niya samin.

“Opo naman, Dr. Tan. Sino bang hindi gustong makapunta sa ibang bansa?” paliwanag ni Isko.

“Yes, Sir. We are definitely sure to go there, and all we need is your approval.” sumunod naming pagsagot ni Red.

“Okay, if that’s what you want. I’ll contact the main office para kung may kailangan pa kayo, we could provide it quickly.”

Paabot na sana sa telepono si Dr. Tan, nang pinigil namin siya at sinabing “No, Sir, nothing more. Just send them an e-mail nalang daw regarding your approval. That’s it.”

“Ganun ba? Okay, sige. I’ll do it right away. I hope you guys have a good trip.”

“Thank you, Dr. Tan.”

Nagsitayo na kami sa upuan at nakipagkamay ng Dr. Tan bago lumabas ng office.

“O, ayan. Okay na. Sabi ko sa inyo, wag kayong kabahan eh”, biglang kantyaw ni Justin sa amin pagkalabas ng office.

“Eh, si Marvin lang naman kinakabahan sa atin eh. Baka bawal daw kasi malayo”, sagot naman ni Isko.

“Sus, sinasabi ko lang na baka hindi tayo payagan kasi nga anlayo nun. Papano pala kung nandadaya na tayo sa oras, diba? Di nila pwedeng palampasin yun.”

“Kaw naman, pare. Natural, may contact sila sa company. Di ka din nag-iisip eh noh?” sagot sa akin ni Red sabay tulak.

“Aray, sakit nun ah? Pero mga tol, seryosong tanong. Tingin niyo, okay tayo sa Amerika? O baka tulad lang din pala ng sistema dito sa Pinas?” tanong ko sa kanila.

“Pare, Amerika yun”, sagot ni Justin. “Kahit wag mo na isipin yung trabaho dun. Ang isipin mo, yung mga chicks dun, pare. Di mo pa ba gugustuhin pumunta dun, ha?” Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Justin.

Paano Magmahal ng AmerikanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon