Chapter 1

572 25 2
                                    


“Anak, mag iingat ka dun ha. Yung mga vitamins mo wag mo kalilimutan inumin”, wika ni inay Lita.

“Opo nay. Mag iingat po ako dun. Kayo po dito, mag ingat po kayo. Wag po kayo masyado magpapakapagod. Tay ha, yung maintenance nyo wag nyo kalilimutan, “ saad ni Alyssa.

“Sige na Ly..kailangan mon a mag check-in. Mag ingat ka dun. Maghanap ka na ng boyfriend dun. Hahahaha”, pang aasar naman ni Nico.

“Ewan ko sayo kuya! Alagaan mo sila nanay ha. Sige na. aalis na ko”, wika ni Alyssa.

At nagpaalam na sya sa pamilya nya. Hindi ito madali sa kanya dahil ito ang unang beses na malalayo sya sa pamilya nya ng ganitong katagal. She’s the only girl sa kanilang magkakapatid kaya naman spoiled sya sa mga ito. Sanay sya na may gumagawa ng mga bagay bagay para sa kanya kaya isang napalaking challenge sa kanya ang mamuhay mag isa sa dayuhang lugar.

Alyssa’s POV

Working in Taiwan is not an easy decision for me. Hindi madaling iwan yung pamilya at mga kaibigan ko. Kaya nagulat silang lahat nung sinabi kong aalis ako at magwowork abroad. Ang daming tanong. Bakit ko daw kailangang umalis? Malamang hindi lang dahil sa sweldo. I’ve been working in my previous company for quite a long time. Stable naman ang job ko dun. They even offered me a promotion para lang mag stay. But I declined. Why? Because I wanted to find myself… at gusto kong iwasan ang guy bestfriend ko…

Flashback…

“Ly, sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo?”, tanong ng bestfriend kong si Ella.
“Siguro. Kailangan ko na din sigurong mag mature besh. I’m not getting any younger”, sagot ko.

“Tigilan mo ko sa paganyan mo Alyssa ha. Alam nating dalawa ang totoong dahilan bakit ka aalis. Si Ryle di ba?”, wika ni Ella.

“Hmm. Partly yes. Gusto ko syang iwasan, kasi ayokong magkagulo pa. Ayokong makasakit ng iba. Pero di lang talaga yun ang reason ko besh. I wanted to find myself. I wanted to know all my capabilities. Kung ano yung mga kaya ko pang gawin na di umaasa sa tulong ng iba. Gusto ko pagbalik ko ng Pilipinas, maging proud kayong lahat sakin.

“Sus, sige na nga. Suportahan nalang kita. Nagdrama ka na e. Basta wag kang iiyak iyak dun pag nahihirapan ka ng maglaba ng damit mo. Hahahaha.”, asar ni Ella.

“Yun ang di natin sure,hahaha”, sagot ko.

“Pero Ly, nagkausap na ba kayo ni Ryle?”, tanong ni Ella.

“Hindi”, sagot ko.

Pagkasakay ko ng eroplano, agad kong chineck ang seat ko. “Sana window side”, bulong ko. Kaya labis nalang ang tuwa ko ng window side nga yung seat ko.May nakaupong lalaki sa tabi ng seat ko. He’s sleeping at naka harang ang paa nya sa dadaanan ko. Pinagmasdan ko muna sya bago ako nag excuse. In fairness, gwapo si kuya.. Hahaha

“Excuse me po kuya. Makikiraan po”, wika ko.

“Tsk. Pa late late kasi e.”, sagot ng lalaki bago nya ko padaanin.

“Ay ang sungit. Sayang gwapo ka pa naman.”, bulong ko.

Padabog akong umupo sa upuan ko at tumingin nalang sa bintana.

Kiefer’s POV

I just came from a vacation in the Philippines. Birthday kasi ng mom ko. I’ve been working as an Engineer here in Taiwan for about 5 years na. I left the Philippines since I graduated college. Nasanay na din ako na malayo sa family ko. Nung una, mahirap. Pero nung tumagal, nasanay na din. I go home naman once in a while. Malapit lang naman ang Pinas.

I was already seated in the plane when I saw a cute girl looking for her seat. I was deply praying that she’ll be seated beside me. Nung malapit na sya sa pwesto ko, nagkunwari akong tulog. Lihim akong natuwa nung tumigil sya sa tapat ko. Bigla syang nagsalita. “Excuse me po kuya. Makikiraan po”

Whaattttt??? Kuya? Masungitan nga. Hahaha.

“Tsk. Palate late kasi e”, saad ko bago ko sya pinadaan.

“Ay ang sungit. Sayang gwapo ka pa naman..” narinig kong bulong nya.. Nagugwapuhan pala sya sakin.. Hahaha.
The whole trip, palihim akong sumusulyap sa kanya. Tuwang tuwa sya sa mga ulap. Ang cute nya mag smile. May dimples din pala sya. Same kami. Hehe.

Nang makababa na kami, naglalakad sya habang nakatingin sa phone nya. Sinadya ko syang bungguin.

“Oops, sorry”wika nya.

“Di kasi natingin sa dinadaanan e”, pagsusungit ko.

“Hay nako. Ikaw na naman? Napaka antipatiko!”, sigaw nya

HAHAAHA. Ang cute nya mainis. Sana magkita ulit kami..

Fated To Love YouWhere stories live. Discover now