Chapter 9

1.1K 44 2
                                    

Aerith's Pov

Its 3 am in the morning, nakaready na lahat ng mga dadalin ko. Hindi ko pa nga natatawagan si Thisbe ehh..

*Riiingggg riinggg*

My phone is ringing,bakit ang agang tumawag ni Dems? I answer it.

"Good morning boss" bungad niya sakin.

"Hey Dems? Ang aga mong tumawag ah"

"Boss tumawag kasi sakin si Ms. Gomez, nalaman niyang mag babakasyon kayo kaya umuwi muna ata sa province." Sabi niya sa kabilang linya.Ayy sayang naman, I really want to know her better pa naman.

"It's fine,I need to go now Dems, enjoy" pinatay ko na kaagad yung tawag. Nakangiti akong lumabas sa condo kooo, Yung mustang yung dadalhin kong car ngayon and of course I'm bringing my guitar also.


Dadaan ako sa coffee shop, it's morning so coffee is life. Nakarating ako sa parking sumakay na ko sa kotse ko. Aaminin ko masaya sana kung may kasama ko kasoo wala ehh. Convertible naman yung car ko sooo masayang roadtriiip to!!

Dumaan muna ko sa coffee shop para bumili ng kape, as usual wala pang tao dito ng ganito kaaga. Pumasok ako sa coffee at pumunta sa counter.

"Café Latte please" tumango naman yung nasa counter, habang hinihintay ko yung order ko. May naaninag akong nag babasa sa may sulok, that's my favorite spot kapag gusto kong tumambay dito. Mukha siya palang yung customer, parang pamilyar yung mukha ahh.

Naalala ko naaa!! Siya yung babaeng nasa elevator ohh well she's my neighbor.

Lumilinga linga siya sa paligid na para bang may pinag tataguan ito, tiningnan ko naman kung saan siya tumitingin. Doon sa lalaking naka all black at naka mask,bakit kaya?

"Here's your order ma'am" Kinuha ko yung coffee ko sakaniya at nakatingin parin ako doon sa babae, mukhang nasa panganib ata siya.

Lumapit ako sakaniya at umupo sa tapat niya "Hey, kilala mo ba yon?" Turo ko doon sa lalaking parang may hinahanap. Umiling naman ito "Hindi ko nga alam kanina pa nakasunod sakin yan." Kinakabahang sagot niya.

Jusko nakausap ko rin ng maayos, dahil siguro sa sobrang takot niya. I removed my jacket, umagang umaga masyado niyang pinapakita yung skin niya. Pinatong ko ito sa balikat niya.

"Tara sumama ka sakin" Tumayo naman ito at hindi tumutol. Umakbay ako sakaniya at dahan dahan kaming sumakay sa sasakyan ko. Tahimik naman akong nag dadrive, walang nag sasalita niisa samin.

"So bakit may sumusunod sayo?" Tanong ko sakaniya, tumingin naman ito ng masama sakin, Why? Anong ginawa ko?

"Hindi ko nga alam diba?" Really? Tinulungan ko na nga ehh.


"Bakit ba kasi sobrang aga nasa coffee shop ka tapos tingnan mo pa yung damit mo? Alam kong makinis yang balat mo pero hindi mo naman kailangan ibalandra." Sermon ko sakaniya, She's still a women.

"Who are you?" Naiinis na tanong niya, napangisi naman ako.

"I'm Aerith Coffin, what's your name?" Malumanay na tanong ko sakaniya.

"Stupid." Bulong naman niya pero sapat na para marinig ko, ang saya naman niyang asarin.

"You don't have a surname,Stupid?" At ayon kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ko na heart attack dito.

"Hatid mo ko sa Condo." Utos naman nito sakin, dahilan para kumunot yung noo ko.

"I don't think that's a good Idea" sagot ko naman sakaniya, napatingin na naman ito sakin. I can feel her stares.

"Why? I'm safe there I guess ." She said, pero sigurado ako na hindi siya sigurado dahil sa tono ng salita, mukhang tinupad ni God yung hiling ko ahh.

"You will come with me." I smiled at her, sumimangot naman ito.

"Really!?Why? Paano naman kita mapag kakatiwalaan eh hindi naman kita ki—-

Riiiiingggg riiiiingggg riiiinggg*

Hindi natapos yung sasabihin niya nang biglang mag ring yung phone ko, kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko.

Lyn💓 is calling..

"Excuse me" sabi ko sa kamasa ko at sinagot ko naman yung tawag habang nag dadrive. "Hello? Napatawag ka?"

"Hello, bakit wala ka sa condo mo?"

Hala, pumunta siya doon ng hindi ko alam? At bakit naman? "Why? Do you need anything?"

"No, napadaan lang ako." Sus akala ko naman namimiss niya ko.

"Oh I se

"Babe nasaan yung friend mo mukhang wala namang tao sa dyan." Teka boses yun ng lalake ahh, what babe!? WHAT THE FUCK!?BUTI NA LANG WALA AKO SA CONDO JUSKO BAKA MAKASAPAK AKO NG WALANG ORAS.

"Got to go Coffin, see you when I see you." She said.

Pinatay ko na lang yung tawag at binagsak yung phone ko sa may gilid.Bwiset naman, tangina emergency?!yun pala tumawag yung labidabs niya tsk.

"Ang sama ng mukha mo." Lumingon naman ako sa katabi, aba tumatawa ang gaga ahh.

"Bakit pinatay ka ba ng mukha ko?paano mo nasabing masama?" Tss.

"Mukha kang nalugiiii!!" Natatawa pang sabi nito. Wala silang ginawa kung hindi inisan ako hano!?

"Shut up Stupid" Pananaway ko sakaniya, oh effective tumahimik. Tiningnan ko siya saglit ay nginisian pero tumingin kaagad ako sa daan.

"I'm not stupid" Ooppps nakasimangot na naman ang dalaga, I chucked. Trust me she's beautiful when she smiles.

"What is your name Stupid?" I asked, mga 30 minutos na ata kaming magkasama hindi ko parin alam kung anong pangalan niya.

"Trinity Sloan." Maiklong sagot niya, napangiti naman ako. "What a beautiful name." Compliment yon ahh hindi ako nag bibiro, bigla naman itong tumingin sa bintana.

"Where are we going?" She asked, hindi ko pa pala nasasabi sakaniya.

"Tagaytay, may rest house ako doon kaya akong bahala sayo." Baka mamaya mag reklamo pa itong babaeng to jusko sasakalin ko to.

"Bakit nga pala nasa Coffee shop ka nang ganon kaaga?" Tanong ko sakaniya, nacurious lang ako kung anong trip niya.

"Just chill'n" she answered, napakahaba ng sagot niyaa ahh, hanggang ngayon pala nakasuot parin yung jacket ko sakaniya. Mabuti na yan ayokong maakit hahahaha.

"Do you have a boyfriend?" Bigla ko namang tinakpan yung bibig ko, I didn't mean to asked her that pero wala na ehh lumabas na..

Biglang lumungkot yung mga mata niya, Hmm I guess we have the same situation. "I'm sorry" I sincerely apologize to her. Tumango lamang ito.

"Do you need some fresh air?" Nakangisi kong tanong sakaniya, hindi ako nakatingin sakaniya pero alam kong nag tataka siya sa tanong ko, oh well tumango anamb ito.

Tinabi ko muna yung car ko at huminto saglit.Convertible naman yung car ko kaya inopen ko yung roof ng sasakyan ko, and I turned on the radio, hindi ko nilakasan masyado. I look at her, she's smiling while looking at the stars. Kinuha ko yung camera sa gilid ko at pinicturan ko siya.

Binigay ko sakaniya yung camera "You're getting more beautiful when you smile, so don't be sad na ha?" Nakangiti kong sabi sakaniya, at ipinag patuloy ang byahe namin.

Stupid deep (on-going)(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon