Chapter 19

985 27 1
                                    

Thisbe's Pov

"Anak bakit nandito ka pa? May trabaho ka ngayon diba?" Tumingin naman ako kay mama at hinawakan ang kanyang kamay. "Mama ayokong iwan ka, dito lang ako sa tabi mo."

Hindi ko mapigilang hindi maluha dahil sa sitwasyon ni mama ngayon. Hindi ko akalain na may sakit siyang leukaemia, hindi niya sinabi sakin kaagad sana naagapan pa.

"Pasensya na anak ha? Kung nagiging pabigat ako sayo." Malungkot na saad niya. Agad naman akong umiling "Hindi mama, gagaling ka pangako yan." Ginagawa ko lahat para pagaanin ang loob ni mama. Siya na lang ang meron ako at ayokong mawala siya sakin.

"Anak alam ba ng boss mo yan? Baka maalis ka sa trabaho." Nag aalalang saad ni mama. Napasimangot naman ako bigla sus kung kailan nga kailangan ko ng pera tsaka pa siya mag babaksyon! Anong klaseng boss yon! "Bakit anak may problema ba at parang galit na galit ka ahh." Umiling naman ako.

"Wala mama, hindi naman magagalit yon. Siya yung pumunta dito para tulungan tayo." Buti nga marunong tumulong kahit na muntikan ko ng hindian yung ino-offer niya sakin well hinindian ko talaga pero bastos ehh! Umalis kaagad sa harap ko.

Pero hindi ko maiwasang mag isip kung paano niya nalaman na nandito ako at alam niya yung sitwasyon ko. Maybe sinabi ni Demi, kahit kailan talaga yon. Hindi ko alam kung paano siga tumatagal doon sa boss niya.

"Kailan ka babalik sa trabaho anak?" Nang hihinang tanong nito. "Kapag magaling ka na mama." Nakangiti kong saad sakaniya. "Salamat anak." Bakit ba kailangan niya pang maranasan yung ganitong hirap. Pinag masdan kong mabuti ang mukha ni mama.

Halatang hirap na hirap siya sa sitwasyon niya. Kitang kita ko ang pagod sakaniyang mga mata. Wala akong magawa, ang tanging kaya ko lang ibigay ay yung tatagan yung loob ko para sakaniya. Nakita ko naman na natulog na ulit ito. "Mama mahal na mahal kita. Tatagan mo loob mo ha? Nandito ako mama." Hinalikan ko ito sa noo.


Bigla namang nag ring yung phone ko. Unknown number sino kaya to? Sinagot ko naman yung tawag "Hello po? Sino po sila?"
Walang sumasagot, tiningnan ko hindi naman namatay yung tawag "Hello?" Ulit ko.

"Ms.Gomez what are you doing right now?" Nagulat naman, bakit naman napatawag yung babaeng to? Sisingilin niya na ba ko? Kailangan kong magpakabait muna sakaniya.

"Doc Coffin ibabalik ko naman sayo yung pera ehh." Kinakabahan ako shet.

"No need. How's your mother?" Concern ba siya?

"Okay na po siya. Pasensya na doc kung hindi ako makapag trabaho kaagad." Hindi ako sanay na masyado akong mabait sakaniya.

"Hohoho bakit ang galang mo ata ngayon Thisbe?" Natatawang saad niya. Aba natawa pa ang gaga.

"Wala! Bye!" Agad ko namang pinatay yung tawag bago pa ko mainis. Hindi ko alam kung talagang mahilig siyang mang inis! Pero kapag nakikita at nakakausap ko siya naiinis talaga ako.

Toktok*

Napatingin ako sa may pinto, agad din akong umiwas ng tingin. "Hey kamusta si tita?"

"Okay naman bakit ka nandito Joseph?" Tanong ko dito. Bestfriend ko siya sobrang understanding niya tsaka lagi siyang nandyan kapag kailangan ko ng tulong. "Dinalaw ko lang si tita tsaka mag ipapaalam lang ako sakaniya." Saad nito.

"Nagpapahinga si Mama eh." Napakamot naman ito sa batok niya "A-ah ganon ba." Kinakabahang saad nito. Anong problema niya? "Ano bang ipapaalam mo sakaniya?"

"A-ah ehh.. a-ano..k-kung pwede kitang ligawan." Iwas na tingin na sagot niya. Hindi ko namang mapigilang matawa. "Joseph wag mo nga kong biruin ng ganyan!" Natatawang sabi ko.

"Seryoso ako Hurri." Napatingin ako bigla sakaniya. Ano? Wala pa kong panahon dyan.Nginitian ko siya at umiling "No,Joseph. Hindi pa ko handa sa mga ganyan." Seryosong saad ko. Gwapo siya pero hindi ko alam wala naman akong nararamdaman sakaniya kundi kaibigan lang.

"O-okay pero kapag handa ka na sabihin mo sakin ahh una na ko bye!" Agad naman itong umalis. Napabuntong hininga naman ako.

Kumuha ako ng mansanan doon sa basket at binalatan ko iyon.

Toktok!!

Aba may kumatok na naman. Bigla namang bumakas yung pinto "Hi Ms.Gomez" nakangiting bati nito sakin. Si Demi lang naman ang taong iyon. Ang daming dumadalaw sa nanay ko ahh parang kilala naman nila.

"Bakit ka nandito Diba may trabaho ka pa? Nakooo baka magalit yung masungit nating boss?" Panakot ko dito. Para naman siyang kinabahan sa sinabi ko? "Nakooo tumakas kaaa no?! Lagot ka talaga doon?" Natatawang kong sabi habang nag babalat parin ng mansanas.

"Sinong masungit?"

Kinilabutan ako sa sobrang lamig na boses na narinig ko. Napatingin ako sa likod ni Demi. OH GOD!

"Hindi mo ba siya nakita sa likod ko!?" Pasigaw na bulong sakin ni Demi. Napasimangot naman ako sana nag text muna siya hano!

"Kamusta naman yung mommy mo?" Seryosong tanong nito. Nyare? Hindi naman siya ganyan ahh nag bakasyon lang nag bago na.

"Okay naman siya, pero halatang pagod na pagod kasi kakatapos lang ng chemo therapy." Salamat sayo. Tumango naman ito "That's good." Saad nito.

"Kumain ka na ba Ms.Gomez? Lunch time na ahh sabay ka na saamin?!" Masiglang pag aaya naman ni Demi. Nagugutom na nga akoo ehh gusto ko sana kaso walang mag babantay kay mama.

"Hindi na kayo na lang, mamaya na ko kakain." Malumanay na sagot ko.

"Sigurado ka ba Ms.Gomez?" Nag aalalang tanong ni Demi. Tumango naman ako at nginitian siya "Oh mauna na kami Ms.Gomez dinalaw lang namin kayo saglit bye bye at nakasimangot na yung kasama ko." Natatawang saad nito.

"Sana hindi mo na lang sinama kung napilitan lang." pag paparinig ko sakaniya dahilan para lalong sumama yung mukha niya HAHAHAHA akala mo ahh!

"Dems mag lunch ka mag isa aalis na ko." Naiinis na saad nito at agad namang umalis. Napaka bastos talaga ng babaeng iyon hano!? "Nakooo nagalit na si Madam. Mauna na ko ahhh byee!" Lumabas na din ito kaagad.


Humawak ako sa kamay ni mama. Hindi ko talaga kaya kapag nawala siya, siya na lang yung natitirang pamilya na meron ako. Naramdaman kong pumapatak na tubig sa kamay ko. Agad kong kinapa yung pisngi ko, basa ito.

Hindi ko napansin na umiiyak na ko, sobrang bigat sa pakiramdam na makita yung taong mahal mo na nasa ganitong sitwasyon. "Mama lumaban ka please. Kaya mo yan, kaya natin ito ha?" Pabulong na saad ko.

"Here." Muntikan na kong mapatalon sa gulat ng marinig ko iyong boses na yon at lumingon ako sa likod ko. Bakit nandito pa siya? Akala ko ba aalis na siya? May hawak itong tissue inaabot niya sakin pero hindi ko iyon kinuha.

Inilapag niya yung tissue at yung lunch box na dala niya " Kumain ka ng lunch. I know na gutom ka, bye." Agad na lumabas.

Lagi na lang siyang nag mamadali. Agad ko namang tiningnan yung lunch box, napangiti naman ako kahit papaano may mabait ma side pala siya. Binuksan ko ito at nag simula ng kumain.

Stupid deep (on-going)(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon