1

8 0 0
                                    

Maagang umalis sila Mom and Dad, hindi ko alam kung trabaho or alis lang. Eh, matatanda na sila, kaya na nila sarili nila.

Kakatapos ko lang mag-cram, na-late kasi ako ng gising. Ayan na male-late na kami ng kapatid ko.

"Autumn kasi, ang bagal mo kahit kailan!"

"Ang ingay mo." sabi niya sa'kin.

"Anak ng! Eh paano ba naman kasi! Napakabagal mo kumilos. Late na talaga tayo. For real." sabi ko.

"You were the lazy one, Dawn Christopher." Hi! My name is Dawn Christopher Tuschia. At 'yun naman si Autumn Crystal Tuschia. Pumasok na siya sa passenger's seat. At pumasok na ako sa kotse.

"Ako ba? Hehehe." napakamot na lang ako sa batok ko.

Siya na 'yung nag-drive since na-late naman na ako nang gising at hindi pa nakakakain, kaya sa kotse na ako kakain tuloy.

(Sa loob ng kotse)

*krr krr krr*

*kain kain kain*

*silence*

Ang tahimik niya pa rin kahit kailan talaga. Binuksan ko na lang 'yung radio para kahit papaano may sound.

After finishing my sandwich, "So, ahem. Musta naman studies?" Panimula ko nang conversation. Para hindi na tahimik ang mundo ko. :3

"Fine. You?" Medyo 'di ko maintindihan, naka-mask kasi siya. Mahiluhin pa naman siya sa kotse.

"Nakaka-bore. Pero syempre gagalingan ko para maayos ako mag-trabaho." I said with dignity.

"Hmm." Tumango siya.

Tumahimik na ulit. In a span of 10 minutes, nasa school na kami. Tinanggal niya na 'yung mask niya tapos kinuha ko na 'yung iba kong gamit.

Oh, we study at one of the finest schools in the Philippines. Hindi sa pagmamayabang pero this school is owned by our family. Specifically, Bleu Pierre l' Académie, Blue Stone Academy in English. Astig ng pangalan 'no? Lakas maka-French. Hindi naman French mga pumapasok.

Ah, basta pagma-may-ari namin ang school na ito, but not like the type na naghahari kami. Ano? Cliche na lang ba lagi? Okay 'yung pagmamay-ari ng school is quite cliche pero wala, 'yun talaga e.

Hindi kami in the same class ng kambal ko, yes kambal kami at ako ang mas matanda (as of what I believe).

"See you later." paalam sa'kin ni Autumn. Before she could go away, hinila ko siya at hinalikan ang noo niya. Syempre, the only girl in the family. Mahal na mahal ko 'yan kahit sobrang cold niya.

"Get a hold of yourself." She said.

"Asus, admit that you love it." pang-aasar ko sa kanya.

Tumalikod na siya sa'kin. "Bye Autumn!"

The bell is only a few seconds away from ringing kaya tumakbo na'ko sa room ko.

Pagkapasok sa room, I greeted my classmates. "Well, isn't it a good morning my dear classmates?"

"A good morning indeed, DC." my classmates replied. I prefer being called by the initials of my name. My family, close relatives and friends lang ang tatawag sa'kin ng real name ko.

"Please settle down, Mr. Tuschia."

"Oh, good morning Sir Rosal. Sorry po hehehe."

"Good morning class." bati ni Sir sa'min. We greeted back.

At nagsimula na ang klase.

"The bleh bleh bleh of bleh bleh bleh makes the finest bleh bleh bleh..."

Nakakatamad, bleh bleh bleh, gusto ko na umuwi, bleh bleh bleh...

*kriiiiiiiiing!*

"Class dismissed."

FINALLY! Tapos na morning classes ko.

"Tara na Don! Gutom nako imbyernang 'yan." I would like you all to meet, my dearest friend, Brandon.

"Napaka-takaw mo naman, my friend. Urat na urat na rin ako kaya leggo!" Sabi ko sabay kotong sa kanya.

"Puta ka, Don!" Hahaha tumawa na lang kaming dalawa.

Nakarating na kami sa canteen, and as usual, pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Bukod kasi sa pogi kami, we're also star players ng soccer team dito sa Academy.

"Mga bro! Tingnan niyo, chikababes oh." Salubong sa'min ng napaka-casanovang si Vale. Tiningnan ko naman 'yung tinuro niyang mga babae. Ang gaganda nga, but I'm no manwhore.

"Ganda p're nung naka-puti. Mala-anghel ang datingan." Sabi naman nito ni Brandon. Nako mga lalaki nga naman talaga, oo.

"Gutom nako, pwedeng mamaya na kayo mag-girl hunting diyan?" Sabi ko, which is very true.

"Same bro, same." Sabi naman ni Brandon, akala mo naman talaga.

Naghanap na kamin ng upuan.

Nag-bato bato pick kami at ang matatalo, 'yun ang kukuha ng pagkain namin.

"Ga-wi ba-wi bo!"

Naka-gunting ako, siang dalawa man naka-papel.

"Yes! Hahaha."

"Madaya ka!" Talo lang sila e.

Tinawanan ko nga.

"Ga-wi ba-wi bo!" Naka-bato sa Brandon, naka-papel naman si Vale.

"Olats ka p're hahahaha ikaw na mag-order dali!" Asar ni Vale kay Brandon.

"Mga kadayaan niyo!" Asar na sabi niya.

"Sus talo ka lang e." Sabi ko sa kanya.

"Psh." Disappointed, he said.

"Munggago hahaha." Natatawang sabi ko.

"Si AC oh." Turo ni Vale sa 'di kalayuan.

Tinaas ko naman ang kamay ko para makita niya.

Pumunta na siya sa pwesto namin dala ang pagkain niya.

"Yo AC! My sunshine, my love, my everyth-- ARAY!" Ayan mga kahibangan nitong si Vale. Binatukan tuloy.

Binelatan ko siya. "Ayan, buti nga sa'yo."

Tumabi sakin si Autumn. "Hi Autumn." I greeted. Tumango lang siya as response.

"Uy, hi AC." Bati ni Brandon pagkaupo niya sa tabi ni Vale. Kasunod niya naman 'yung mga pagkain na dala ng isang service crew.

Kumain na kami ng mapayapa.

After a few minutes, natapos na rin kaming kumain.

"Hi Autumn." Bati ni Vale sa kapatid ko with a slight wink.

Autumn fiercely looked at Vale. Ayaw niyang tinatawag siyang Autumn or Crystal aside from family members. Agad namang natakot si Vale sa binigay na tingin ni Autumn. "Don't talk to me." That iconic line.

"Patay ka." I threatened Vale.

"H-hehe. Biro lang, AC." Hindi na siya pinansin ni Autumn.

"May mga plano kayo mamaya?" Tanong ni Brandon para mawala 'yung tension.

"Bakit? Mag-aaya ka na naman mag-bar?" Sabi ko.

"Oy! Galing ah. Alam na alam mo na, my friend." Tinapik ako sa likod ni Brandon.

"Sure! Alam mo namang hindi ako aayaw diyan." Sang-ayon ni Vale.

"Pass muna ako." Sabi ko.

"Corny mo naman. Akala mo talaga may girlfriend siya e." Asar ni Vale.

"E sa ayoko muna mag-bar e. Kayo na lang." Sabi ko.

"Bahala ka diyan, par. You're going to miss the fun." Sabi naman ni Brandon.

"Gago."

"I'm going." Paalam sa'min ni Autumn.

"Bye AC!" Sila Brandon.

"See you later, Autumn." I said as I kissed her forehead. Hindi man halata pero gusto niya talagang hinahalikan sa noo.

Don't Talk To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon