3

8 0 0
                                    

Rianna's POV

Hi! I'm sure you've heard of me. Ako 'yung nobody, who dragged the famous AC ng school a week ago. My name is Rianna😉

I didn't know her at that time pero I mean those boys were definitely bothering her and I did what I thought would help. Gano'n rin naman gagawin mo kung ako ikaw 'diba?

Enough chit-chat. Naglalakad ako ngayon sa campus since lunch pa lang naman. Kakatapos ko lang kumain, if you are about to ask.

"Yanna! Tara dito dali." 'Yun nga pala si Jazelyn pronounced as ja-ze-lin. Most people call her jeyz-lin. Parang mga ewan lang.

"Hey what's up?" Tinanong ko siya.

"Punta tayo ng field. Nakaka-sense ang radar ko ng mga fafi 'dun." Nako itong babaeng 'to talaga. Kaya magkaibigan kami e hahaha.

"Oh ano pang hinihintay natin? Tara na!"

Naglakad na kami ng mabilis papunta ng gym.

"Kya! Ang pogi talaga ni Sam! Mylabs huhu." Sambit ni Jaze. Baliw na baliw kay Sam jusq.

"Mas pogi si Percy ano." Sabi ko kay Jazelyn.

"No way, si Vale kaya."

"Brandon for the win."

"Pinakapogi si DC girls, no doubt." Sabi ng katabi naming mga babae sa bench. Naghahagikgikian sila 'dun.

"Alam niyo, pogi talaga silang lahat, iba-iba lang ng pagkaka-portray gano'n." Sabi naman nang isa. Totoo naman talaga. Iba-iba naman din kasi mga style nating mga babae pagdating sa mga lalaki. And yet, si Percy talaga ang pinaka-gwapo sa mga mata ko.

"Hay. If only life was a wattpad story. 'Yung feeling na boyfriend mo, sobrang famous na varsiry player, tapos sobrang pogi pa. Jusko, dabest 'yun." I said, fantasizing.

"Well, life isn't kaya we have no choice but to fantasize about these things." Sabi ni Ja, as a matter of factly.

Grabe napakapogi naman talaga ng mga lalaking ito. Makalaglag panty ang mga datingan e.

After few more minutes, inaya ko na siyang umuwi.

"Tara na Ja. Gusto ko na umuwi."

"Ay nako teh. Nakalimutan mo ano?" Tanong niya.

"Ha? Ang alin?" Tanong ko pabalik.

"May family dinner kami kaya isusundo ako ng driver namin. Hindi ako makakasabay sa'yo."

"Ay oo nga pala! Ano ba naman 'yan. Mag-isa lang tuloy ako uuwi."

"'Wag mo naman akong masyadong ma-miss, my friend." Nakangising saad ni Jazelyn.

"Ulol 'dun ka na." Nagtawanan kami.

"Oh siya, mauuna na'ko ha. Ingat kayo mamaya. Balitaan mo na lang ako sa bruha mong kapatid kung ano na ginawa sa'yo ha? Bye! Mwa!" Sabi ko.

"Sige. Text mo'ko kapag nakauwi ka na ha! Ingat Yanna! Mwaps." Bineso niya pa ako sa pisngi.

Naglakad na'ko palabas ng campus.

Bago pa ako makalabas, may humarang sa'king tatlong babae.

Namumukhaan ko sila ha.

Ah! Ang tres Demonyitas. Si Denise, Moniq, at Yitaki. Fit talaga sa kanila ang Tres Demonyitas.

Siguro susumbatan na naman nila ako sa nangyari nung nakaraan.

"Hi loser." Bati ni Denise.

"Loser." Sabay na sambit naman nila Moniq at Yitaki. Parang mga robot lang naman ang dalawang 'to. Sunud-sunuran ni Denise. Akala mo naman talaga napakagaganda. Ang sarap ipakain sa lupa e.

Don't Talk To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon