Prologue

16 0 0
                                    

Kasabay ng alingawngaw ng alarm clock sa kwarto ko ay ang pagmulat ng mga mata ko. Pinatay ko agad ito at hinanap ang phone ko, may iilang mensahe iyon galing sa mga kaibigan ko, isa isa ko itong binuksan habang nakahiga pa hanggang sa mapagtanto kong first day of class nga pala ngayon kaya ang ingay ng alarm clock ko.

Tumayo na ko at nagsimulang maligo at magbihis. Nakasalubong ko si daddy sa hagdan, mukhang pupuntahan nya yata ako para tawagin at kumain.

"Oh great, breakfast is ready, darling. Good morning." sabay halik nya sa noo ko at ngumiti.

"Good morning dad. How was work?" tanong ko sa kanya habang pababa na kami ng hagdan.

"Good, nakakapagod but I work for the future of my sweetheart so it's okay." Napangiti ako sa sagot nya, my dad is really sweet, lalo na noong nawala si mom, mas naging sweet at maalaga sya sa akin. Mom died from the car accident, I was at the age of 15 when she left us. It was the most painful feeling, seeing your mom na nakaratay at walang kahit na ano pang nararamdaman. Nakita ko rin kung paano unti unting nawawalan ng gana si dad sa buhay right after mabalitaan namin ang nangyari kay mom, pero after ilibing si mom, hindi ko inaasahan na ganoon ang ipapakita sakin ni dad. Para bang lahat ng pagmamahal na meron sya kay mom ay binuhos nya sakin.

"Aw dad, you don't have to pressure yourself huh? I don't want you na ibuhos lahat ng time mo kakatrabaho. Baka mapano ka, ikaw pa naman ang pinaka favorite kong daddy" sabi ko at niyakap ko sya, naglalambing.

"Darling, wala ka namang choice, ako lang ang daddy mo." Halakhak nya. "But of course, hindi ko naman inuubos ang time ko sa work, i still have you. Baka pag di kita binigyan ng time, sa ibang guy ka magbigay ng time, hmm." Aniya sa nagtatampong tono. I smiled habang nakakunot ang noo.

"Dad talaga. Wala pa sa isip ko yun no! Let's eat na nga." Hinalikan nya lang ako sa pisngi at kumain na kami. Tinawag nya yung dalawa naming kasambahay para daluhan kami sa pagkain, one thing that i love about dad, sobrang bait hayy.

Matapos kong kumain ay kinuha ko na ang bag ko at tinext si elle.

To: Ellaine Cruz
I'm on my way. Where u at?

Elle is my bestfriend and so Ally, because our moms were also bestfriends, so in short, bata pa lang kami magkakasama na kaming tatlo, we're like "tres marias" sabi nila. Minsan napagkakamalan na kaming triplets dahil lagi kaming magkakasama, hindi na nahiwalay sa isa't isa.

"Darling, let's go." ani dad habang inaayos ang relo nya. Pinasadahan ko sya ng tingin.

"You look good today dad." tinaasan nya ko ng kilay na para bang sinasabing "ngayon lang?" napangisi ako at dinugtong ang mga salitang "I mean... always" sabay kindat ko sa kanya. Napangiti na lamang sya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse sa front seat.

Nag vibrate ang phone ko senyales na may nag text sakin.

From: Ellaine Cruz
I'm here na sa campus, ally's here also.

Nag reply lang ako ng "ok" sa kanya at nilagay na ulit sa bag ang phone ko. Tahimik lang ako sa byahe kasi may kausap si dad sa phone nya, work.

"Farrah, text me when you need something, okay? Baka mga 10 na 'ko makauwi kaya wag mo na ko hintayin sa pagkain. Manong Gary will fetch you. Take care, sweetheart. I love you." aniya pagkahinto sa tapat ng school namin sabay halik sa noo ko.

"Yes dad. Take care too, i love you!" bumaba na ko at agad nawala sa paningin ko ang kotse ni dad.

Naglakad na ko papasok ng campus at umakyat sa 4th floor. Bakit ba naman nauso ang ganitong kataas na building oh, nakaka ubos ng hininga jusko naman! Naka heels pa man din ako, kasi yun ang proper uniform sa mga girls ng Business Administration course. Napahawak ako sa dibdib ko matapos makaapak sa 4th floor at buga ng malalim na hininga. Inayos ko ang sarili ko dahil medyo pinagpawisan ako at pumasok na sa room namin, nakita ko si Elle at Ally.

Grow In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon