"I remember everything now." sabi ni Aivan habang nakatingin ng seryoso sa akin.
Walang makikitang anumang emosyon sa mga mata nito.
Napako ako sa aking kinatatayuan at ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko.
I swallowed hard, "A-anong sabi mo?" naitanong ko na lamang.
I saw him smirked.
"Don't act innocent, wife. Or should I say, my pretend wife." madiin ang pagkakasabi nito.
Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.
"How dare you Danaiah!? Tatlong buwan! Tatlong buwan mo akong niloko! And now I remember everything!" sigaw ni Aivan.
Sinubukan ko siyang lapitan pero umatras lang ito.
Tuloy tuloy na ang pag agos ng luha sa mga mata ko. God! Ito na yung kinatatakutan ko.
Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa sobrang emosyon.
Pinilit kong magsalita."P-Please Aivan, l-let me explain. May dahilan kung bakit ko ginawa yun."
Mas tumalim pa ang tingin niya sakin.
"Explain!? Alam mo ba kung anong ginawa mo? Sa pagtago mo sakin, inilayo mo ako sa pamilya ko. And what's worst? You ruined my supposed to be wedding! Now tell me, ano pang babalikan ko sa amin!?" sumbat nito.
Mas napaiyak ako lalo dahil sa mga sinabi niya.
Ang tanga ko! Kasalanan ko lahat to!
"A-alam kong mali ang ginawa ko. P-pero yun na lang kasi a-ang tanging paraan para mailigtas ko ang pamilya ko." sabi ko sa mahinang boses.
Napapitlag ako dahil sa pagkabasag ng kung anong bagay na inihagis ni Aivan.
"Bullsh*t! Yun lang yun? Ang galing mo pa lang umarte no? Napaniwala mo ako. Kahit sa pagsasabi mo sakin ng mahal mo ako, those are all lies! Tang*ina! Im so stupid!" halos magwala na ito sa galit.
Nilapitan ko na talaga siya at niyakap. Nagpumiglas siya pero hinigpitan ko lang ang yakap ko.
"No Aivan. Nang sabihin ko sayong mahal kita, totoo yon. Please, maniwala ka." I sobbed.
Tinanggal niya ang pagkakayakap ko at hinawakan ng madiin ang braso ko. Masakit pero di na ako nagreklamo.
Nagulat ako ng itulak ako nito kaya't napaupo ako sa sahig. I just cried hard. I deserve it anyway.
I heard him laugh,"Mahal? Do you think I will believe you!? Ang tanga ko nga eh. I am answering your every" I love you's" with "I love you too" dahil akala ko totoong mag asawa tayo. But it turned out, Im just being fooled!" matigas ang boses na sabi nito.
Parang sinaksak ang puso ko dahil sa narinig ko. Pinilit kong tumayo at pinunasan ang luha ko.
Umiling ako ng ilang beses bago nagsalita."Hindi totoo yan! Mahal mo ako diba? Mahal mo ako Aivan. Please, bawiin mo yung sinabi mo. You love me." pakiusap ko.
Hindi ko matanggap kung sakaling sasabihin niyang hindi niya ako mahal.
He smirked again. "No Danaiah. I don't love you! Isa lang ang babaeng mahal ko. And it's only Nica, the girl whom I supposed to marry. And I swear, pagkaalis ko dito babalikan ko siya!"
Di ako nakapagsalita. I was too stunned. I felt as if my heart was shattered into pieces. Damn! Karma ko na ba ito?
"Ninakaw mo ang pagkatao ko Danaiah. You also ruined my life. I will never forgive you, keep that on your mind."
He continued talking. "I don't want to se you ever again. Baka kung ano pa ang magawa ko sayo pag nakita kita." He said and walk away.
Di maproseso ng utak ko yung sinabi niya.
Iiwan na ba niya ako? Damn!Paano na ako? Kami? Sh*t! This can't be happening.
Natauhan ang diwa ko at agad tumakbo palabas kahit nanginginig ang katawan ko.
"Aivan wait! Please hear me out first." I plead.
He stared blankly at me. He's really mad. It's my fault.
"Let go Danaiah. Habang nakakapagtimpi pa ako sayo." Tinanggal niya ang mga kamay ko sa braso niya at nagtangkang umalis ulit.
Inunahan ko siya at agad na lumuhod sa harap niya. Nagulat siya sa ginawa ko but the hell I care!
"Stand up." He coldly said.
Pero umiling lang ako. "Please Aivan. Patawarin mo ako. Please don't leave. Nagawa ko lang ang bagay na yun dahil wala na akong choice." paliwanag ko. Hope you understand.
Narinig ko ang pagtawa niya. "I don't care about your reasons. Save it. Dahil kahit umiyak ka pa ng dugo sa harap ko, I will never forgive you! So get out of my way!" pagtataboy niya sa akin.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang humagulgol na lang. Sa laki ng kasalanan ko sa kaniya, hinding hindi na niya ako mapapatawad.
Durog na durog na ang puso ko.
Bumabalik sa utak ko ang mga sinabi nito kanina.
"I don't love you Danaiah."
"I don't want to see you ever again."
"Kahit umiyak ka pa ng dugo sa harap ko, I will never forgive you!"
God. Sana panaginip lahat ng ito. Mahal niya ako. Mahal niya ako. Paulit ulit na pagkumbinsi ko sa sarili ko.
-----
A/N.
Pangit ba? Haha. Sorry, yan lang po ang kinaya ko. 😂post ko po agad yung chapter 1-3 kapag sinipag ako. Stay tuned guys. 😉
Hope may magbasa po. Haha. Kamsaaa! ❤️
BINABASA MO ANG
Borrowed Love
RomanceLies and deception. Where will it lead you? May pag-asa pa kaya na magkaroon ng second chance sina Aivan at Danaiah? Will they choose to forgive and give their love a one last chance?