Chapter 2

3 0 0
                                    


Danaiah Lei POV


HUMINGA ulit ako ng malalim pagkatapos kong mabasa ang text ni Mateo sa akin. Tumingin ako sa paligid. Kailangan niyang maging alerto sa lahat ng kilos niya dahil baka nasa paligid na naman si Mateo kaya ito nagtext.

Mateo Guillermo, a dangerous business man na kinatatakutan ng pamilya namin.

Gagawin nito ang lahat para lang makuha ang lahat ng yaman na iniwan ng Daddy sa amin, at di lang yon. Gusto niya akong maging asawa niya!

"I'll get you by hook and by crook Danaiah. Mark my word."

Naalala kong sabi nito sa akin noon. Kinilabutan ako sa pagkakaalala dun. Haist.

Like duh, mas gusto ko pang magbigti na lang kaysa magpakasal sa isang taong may maitim na budhi. -_-

Over my dead but gorgeous body. Hmp!

Ano ba yan Danaiah Lei. Kung anu-ano na pinagsasabi mo.

Napapikit na lang ako ng mariin at nag isip ulit ng pwede kong gawin para tigilan na kami ng demonyong yon.

Then suddenly I remembered what Fina told me yesterday.

"Bakit di ka nalang maghanap ng lalaki na pwede mong gawing asawa pansamantala?" tanong ni Fina sakin habang nagmemeryenda kami.

I scoffed. "The hell Fina! Are you insane? Bakit ko naman gagawin yun?"

Fina rolled her eyes on me. "Utak mo Naya, di gumagana." Tss. Sarap din sampalin ng pinsan ko no?

"Temporary husband lang naman eh. Pag may nahanap ka na pwede mong maging asawa, the one who is trustworthy, pwede mo ilipat lahat ng ari-arian niyo. But ofcourse, contract needed. Once na ma-annul na kayo, you can get back all your wealth." paliwanag nito sakin.

"You just have to do it for a show. Palalabasin niyo na naiwan sa ex-hubby mo lahat ng pera at pag-aari niyo. That way, tigilan na kayo ni Mateo. Maiisip niya na wala na siyang makukuha pa sa inyo kahit singkong duling."


I sighed again for the fifth time. Parang malabo kasi yung suggestion ni Fina sakin.

My goodness! Saan naman ako hahanap ng lalaki na papayag sa ganung sitwasyon? Wala diba? Katangahan lang yun.

Makapaghanda na nga lang.

I need to visit my Mom again in our house. Actually, everyday ko siyang binibisita. Nag-aalala ako kahit pa na may mga bodyguards sa bahay. We need to be extra careful.

Hindi ako natutulog sa bahay dahil gusto namin lituhin si Mateo, dahil posible na isa na naman sa amin ang saktan niya. And I am right, because these past few months, ako ang puntirya ng lalaki. He always sent death threats.

Napakademonyo talaga ng Mateo na yun! Mahihiya ang impyerno sa kaniya. Tss.

Nung nakaraan nga, may bumangga sa likod ng sasakyan ko. And I have a feeling na hindi aksidente yun.

Di naman kami makapagsumbong sa mga pulis dahil sa connection na rin nito.

Nagulat na lang ako ng makarinig ng doorbell.

Sinilip ko sa peephole kung sino ang nasa labas. Binuksan ko agad ang pinto dahil si Evangeline ang bisita ko. A doctor friend of Fina. Konti lang kaming nakakaalam tungkol sa friendship nila. Siguro dahil na rin sa history ng pamilya nilang dalawa. It's not my story to tell anyway.

Eva smiled upon seeing me. I smiled back at inaya ko siya sa sala.

"Hi Eva. Wala si Fina dito eh. Umalis kanina pang umaga. May usapan ba kayo ngayon?" tanong ko.

"Yes. Actually, napadaan lang ako. I thought she's already home. Sunduin ko lang sana."

I nodded. "Baka mamaya pa ang uwi nun. Sabihan ko na lang siya pagdating niya."

"Sure Danaiah. Kahit ma-late siya basta pumunta siya, ha? Wag siya mang-indian, sabihin mo" wika nito habang natatawa.

Natawa na rin ako. Matapos lang makipag kwentuhan saglit ay umalis na rin ito. May kailangan daw itong i-check na pasyente niya.

I was left alone again with my deep thoughts. Sumasakit ulo ko sa kakaisip. Kaloka to!

Nai-stress ang beauty ko ah.




To be continued.....

----------
Update ulit. Haha.
Ni-post ko na po agad ang chapter 2.
Pag sinipag po ulit ako, I'll update chapter 3 tomorrow. 😉

Goodnight.....



Borrowed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon