Paula's POV
"Uy, guys mauuna nako, mag-uumpisa na next class ko" nagsimula akong magligpit ng gamit ko dahil magsisimula na nga next class ko. Nandito kami ngayon sa canteen nagkukwentuhan habang nagmemeryenda habang ginagawa ang mga dapat gawin habang...... Nagtatawanan.
"Ah, aalis narin ako, wala na akong class pero pinapauwi ako ng maaga ni mama, darating daw relatives namin" sabi ni Cass habang nagliligpit ng gamit na din.
"Okay, basta walang bomba, sa Star City tayo bukas ah. Nakaready nayung ride-all-you-can ticket natin" ulit na naman ni Jake. Kanina pa niya sinasabi yan eh paulit ulit na.
"Oo na" sabay sabay naming sagot sa kanya. Alam kasi nito na bomba kami pagdating sa mga lakad o walwal. Kung hindi lang kami susunduin talagang magiging drawing lakad namin. Lamna typical hangouts na pag pinlano nang maaga ayun sabog, nabobomba.
"Kilala ko kasi kayo eh mga bomba kayo" sagot niya tska nagpout ang walangya. Fudge kala niya cute siya? Nagmukha lang siyang aso hahahahaha.
"Wag ka magpout, lalo kalang pumapanget"
"Oo nga, sige na bye bye" nagwave nako sakanila tsaka na ako pumunta sa next class ko which is i hate the most F*ucking HISTORY. Ayoko talaga sa subject nayan, diko alam bigla nalang kasi ako inaantok kapag nagsimula na magdiscuss prof namin. Basta! Ayoko sa history period.
After 2 hours ng ever boring history class. Nagpunta ako sa locker ko at inilagay ko ang mga books na di kona kailangang reviewin kasi nakakabigat lang sa dala ko. Pagkatapos ko sa ilagay ang mga books ay lumabas na ako ng campus at hinintay yung kotseng susundo sa akin. Nang dumating na ang kotse ay sumakay na ako agad. Sinalampak ko sa tenga ko ang headphones at nagsimula nang magplay mg music. Nakatingin lang ako sa daan habang pauwi kami. Nang malapit na kami sa gate ng subdivision namin at may nakita akong matanda na parang nakatitig sa kin? Tapos nakangiti pa siya, parang ang creepy naman. Itinaas niya ang kamay niya at parang ipinakikita niya sa akin ang isang kwintas. Nacurious tuloy ako. Pinahinto ko muna ang kotse tsaka ako bumaba. Nilapitan ko yung matanda.
"Lola ako po yung tinitignan niyo? " tanong ko kay lola.
Di siya sumagot bagkus ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya yung kwintas kanina.
"Hala lola di naman po sa akin to" sabi ko habang ibinabalik ko sakanya yung kwintas.
"Sayo na ang kwintas na ito iha, ibinabalik ko lamang ito sa tunay na may-ari" sagot ni lola
"Hindi nga po sa akin ang kwintas na ito lola" pagpupumilit ko. Tunay na may-ari daw? Eh hindi naman ako nagsusuot ng kwintas pwera na lamang kung may lakad kami.
"Kung ganoo'y tanggapin mo na lamang ito bilang isang regalo. Isuot mo at huwag na huwag kong huhubarin" sagot ni lola habang isinusuot niya sa akin ang kwintas. Nang maisuot niya ito ay tsaka ko tinignan ang kwintas. Isa lamang normal ng gintong kwintas na may pendant na "P".
"O-osige po, sigurado po ba kayo? " tanong ko na medyo nawiwirduhan. Paula first name ko tapos "P" payung pendant ng kwintas, ano to coincidence lang?.
"Oo iha, siguradong sigurado. Ingatan mo ng maigi ang kwintas na iyan. Dahil iyan ay lubhang napakahalaga para kay-" naputol bigla yung sinasabi ng matanda. Para kay? Hala baka nakaw to ha?
"Para kanino po-" napitigil ako sa pagsasalita ng mapagtanto kong wala na si lola?. Hala asan nayun? Nakatitig kasi ako kanina sa kwintas. Nang lumingon ako sa kanya ay wala na lamang siya bigla. Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin siya pero wala na. Ang bilis naman niyang maglakad? Nagsasalita lang siya kanina eh. Wierd atsaka ang creepy.
Agad agad narin akong sumakay sa kotse ng naguguluhan parin. Nang makarating sa bahay ay dinapuan na ako ng antok. Kaya nagpaalam na ako na hindi na muna ako kakain dahil inaantok nako. Naghilamos nako at nagbihis pantulog tsaka na ako dumiretso sa kama dahil inaantok na talaga ako. Makatapos ang ilang segundo ay napunta na ako sa mundo ng mga panaginip.
BINABASA MO ANG
Burden By Time
Historical FictionPaula Kristine Angeles - Paulita Kristiña Clarente Juan Eduardo Estepan De Adante Kapag ang oras at panahon ang naging problema, mahirap itong solusyunan Kapag ang oras ang naging balakid sa inyong pag-iibigan mahirap itong kalabanin. Isang pagmamah...