Kabanata II

9 1 0
                                    


Nang imulat ko ang aking mga mata ay hindi ang puting kisame ng kwarto ko ang bumungad sa akin kundi mga kahoy kaya napabalikwas ako ng tayo. Pinagmasadan kong mabuti ang kwarto at nasisigurado ko na hindi ito ang kwarto ko.

Teka,  nasaan ako?  Hala baka....  Tiningnan ko kung may damit ako at nakahinga naman ako ng maluwag na suot ko parin ang sinuot ko kagabi. Pero nasaan ako? Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang babaeng nakasuot ng baro't saya. Bat ganyan suot niya?  Ano to prank? 

"Pauli-,  bat ganyan ang suot mo?! Hesusmaryosep Paulita magpalit ka ng damit bago ka makita ni ama! " galit na sigaw sa akin ng babae.  Ano bang mali sa suot ko?  Ito naman talaga yung normal na pantulog ko ah. Sando tsaka shorts tsaka sino ba siya?  Paulita?  Paula pangalan ko hindi Paulita! 

"Sino ka ba?, nasan ba ako?  Nasang lugar to? " naguguluhan kong tanong.

"Anong sino ako?  Ako ang iyong ate Paulita, ano bang nangyayari sayo? "

"Hindi kita kilala,  hindi ikaw ang ate ko,  sino kaba?  Prank bato?  Hoy kung prank to buking nakayo!  Lumabas nakayo dyan Shiela! Kuya! Ate! " baka pinaprank na naman nila ako.  Ano ba naman klasing prank to?  Ang lame.

"Ano bang pinagsasabi mo kapatid ko? Ako ito si Katarina ang iyong nakatatandang kapatid. Tsaka anong p-prank?.  Tsaka Paulita magbihis ka muna!  Hindi maaring makita ni ama na ganyan ang iyong suot,  ikay tiyak na mapapagalitan. " nag-aalalang sabi ng babae. Sino namang Katarina?  Ano ba ang gulo!

Lumapit sa akin ang babae at tinulungan akong magbihis. Ang init naman nito sa katawan.  Bat kasi ganito yung pinasuot sa akin?  Ano bang nangyayari? Naguhuluhan ako na ako! .

Nasaan ako?  Anong lugar to? Diba prank lang to?

"Paulita tara na" ayan na naman yung Paulita eh.

"Hindi ako si Paulita,  Paula ang pangalan ko! " medyo naiinis konang sabi

"O diyos ko ano bang nangyayari sa kapatid ko?  Halika pumunta na tayo sa hapag kainan kanina kapa hinihintay nina ama. "

"Teka lang" bumitaw ako sa kamay niya

"Nasaan ba ko?, kaninong  bahay ba to?  Iuwi nyo na ko!?" Naluluha kong sagot sa kanya.  Ngsisimula na ako matakot,  kinakabahan nako.  Kung hindi to prank nasan ako?  Bat parang nasa past ako?

"Paulita, nasa mansion ka ng mga Fernandino,  anak ka ni Don Antonio Fernandino ang ating ama at ni Doña Anita Fernandino ang ating ina,  halika kana sa hapag nang masabi ko kina ina itong mga ikinikilos mo. Baka naengkanto kana" nag-aalala niyang litanya.

"Hindi nga ako si Paulita eh!  Bat ba ang kulit mo? Antonio? Anita?  Hindi ko sila kilala!  Hindi sila ang mga magulang ko,  dahil ang mga magulang ko ay sina Mario at Diana! " sunod sunod na ang pagpatak ng mga luha ko.  Hindi ko na alam ang mga nagyayari.  Sobra na akong naguguluhan.

"Anong nangyayari rito Katarina? Bakit sumisigaw si Paulita? " tanong nang isang babaeng kakaakyat lang ng hagdan. Sino na naman to?

"Hindi nga sabi ako si Pau-" hindi ko na natuloy ang mga sasabihin ko ng bigla nalamang nagdilim ang aking paningin at bumagsak ako sa sahig at ang huli kong narinig ay ang pagsigaw nila sa pangalang Paulita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Burden By TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon