Nakita ko lahat nang nangyari kanina sa pinuntahan ni kumag, hindi siya sinagot ni aaralyn, may part sakin na gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil hindi siya sinagot bakit ganun? wala naman akong gusto kay aaralyn ah, pero hindi ko naman sinasadyang panuorin sila, e sa nacurious ako sa suot ni kumag kanina e, edi sinundan ko nalang, pagkauwi na pagkauwi niya yung itsura niya nakakatawa parang namatayan, maasar nga "kumag, bakit ganyan muka mo? namatayan ka ba?" hindi ako pinansin at dirediretso lang sa kwarto niya, mageemote lang naman yan, parang bakla yikes! feel ko ngayon gumala sa labas dahil sa ginawa ni aaralyn ang saya saya ko, ewan ko ba, parang naweiweirduhan na nga ako sa ikinikilos ko e, dinala ako nang mga paa ko sa kung saan ko nakilala si aaralyn, ang babaeng bayolenteng kumatok sa bintana nang kotse ko, natutuwa talaga ako sa nangyari kasi kung hindi nangyari yun hindi mangyayari ang lahat nang to, nang makabalik ako sa tamang pag-iisip, itutulog ko nalang to, baka sakaling matigil na ang aking kabaliwan. -_-
----------
Maggagabi na nang nagising ako, di parin kaya lumalabas si kumag nang kwarto niya? mapuntahan nga sa kwarto niya yun "KUMAG! KUMAIN KA NA?!"
"PAKE MO!"
"TINATANONG LANG KITA! WALA NAMAN TALAGA AKONG PAKE SAYO! KUNG AYAW MO KUMAIN 'DI WAG! AAYAIN KO NALANG KUMAIN SA LABAS SI AARALYN PARA NAMAN MAY KASABAY AKO!"
"GAGO! ETO NA NGA LALABAS NA!" lumabas lang naman siya nang nakabusangot, siguro nasa dugo talaga namin ang mangblockmail, HAHAHA! "Kakain ka rin pala e, dami pang kaartehan."
"Manahimik ka na nga lang diyan!"
-
Pagkatapos namin kumain ay nanuod na lang ako nang tv siya naman ay naghuhugas nang pinagkainan, as if naman na ibablockmail ko siya pag di niya ginawa yun, *evil grin* trip ko ngayon kausapin si aaralyn matext nga.
"Hi, kumain ka na ba?" It takes 5 minutes before she reply.
"Oo, e ikaw?"
"Oo rin, anong oras ka pala matutulog?"
"10:00."
"Ah, sino kasama mo sa bahay?"
"Ako lang naman."
"Buti di ka natatakot mag-isa diyan?"
"Wala namang multo dito e! haha!"
":) sige, nuod muna akong tv, ingat ka diyan."
":)" natutuwa ako sa kanya pag nagsesend siya nang smiley face, feeling ko komportable na ko, "HOY ITO! NGININGITI MO DIYAN?"
"NAKAKATAWA YUNG PINAPANUOD KO, KASING TANGA MO." pagpapalusot ko, ayoko namang malaman niya nang dahil kay aaralyn sabihin pa niya inaagawan ko siya, like duh! parang pipiliin naman siya ni aaralyn kesa sa akin. -,- ang pangit pangit niya e, e muka ko? pang high standards na to no! baka nga makuha pa kong artista nang dahil sa kagwapuhan ko e.
BINABASA MO ANG
When It Turns In Love
RomanceAaralyn smith-ako lang naman ang nabangga nang epal na lalake na driver nang kotse nakakainis, first day of class delay agad ako, grabe! Magbabayad ka sa ginawa mo kuya driver ng kotse. Akito jones-well, as if naman na may pag-aari akong school, ang...