When It Turns In Love 34 (akito)

11 0 0
                                    

Break time na naman, magkasabay kami ni aaralyn papuntang canteen nang may sabihin siya sakin, "kakausapin ko muna si alvin, sasabihin ko sa kanya na itigil niya na yung panliligaw, akalain niya pa akong malandi pag nalaman niyang pati ikaw nanliligaw, pero by the way alam mo naman siguro na nanliligaw siya sakin diba?"

"Oo, nakatira lang kami sa iisang bubong kaya alam ko lahat."

"Ah sige, punta na ko balikan din kita agad."

"Okay." tiningnan ko muna siya bago ako umorder nang kakainin namin, pagkatapos ko umorder ay kinausap ako ni abby "nililigawan mo si aaralyn diba?"

"Paano mo nalaman?"

"Hindi na importante yun, nililigawan mo siya diba?"

"Oo."

"ANG AKALA KO BA HINDI MO SIYA GUSTO?!" pinagtitinginan kami nang mga tao dito, may ibang bumubulong na LQ lang daw ang nangyayari yikes asa naman sila! "wag kang magiskandalo dito, dun tayo sa garden mag-usap, MANANG! RESERVE MO YUNG SEAT KO DITO AH!"

"SIGE PO SIR!" Dinala ko na si abby sa garden at dun ko sinimulan, "abby, kagabi ko lang narealize na nung hindi niya sinagot si alvin natuwa ako, at tuwing magkasama sila ni alvin may kirot sa puso ko kaya sorry kasi hindi ko nasabi agad sayo."

"Sisirain ko ang ugnayan niyo! bahala ka na sa buhay mo!" Tiningnan ko lang naman siya papaalis, alam kong hindi niya kayang gawin yun dahil ako makakalaban niya pag tinuloy niya, bumalik na ko sa canteen at buti na lang kakarating lang din ni aaralyn, kinwento ko lahat sa kanya at tinanong ko siya kung may gusto din siya sakin, oo ang sagot niya pero nung tinanong ko siya kung bakit ayaw pa niyang maging kami ang sagot niya naman ay hindi pa siya handa, kaya ko naman maghintay, kahit wala akong pag-asa sa kanya maipakita ko lang kung gaano ko siya kamahal. At nung uwian hinatid ko na siya sa bahay niya, napagkasunduan na naming hatid sundo ko siya buti nalang pumayag siya.

When It Turns In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon