Anong oras na ko nakatulog kagabi nang dahil lang sa text ni akito, hindi na ako makatulog nun e, tama ba kaya ang hinala ko na may gusto na ko sa kanya? kasi akalain niyo 3:00 na ko nakatulog, at eto ako bangag na bangag, wednesday na ngayon actually di ko alam susuotin ko, text ko nalang si akito kung P.E uniform ba sila ngayon o pwedeng civilian na lang (bahala na sa spelling, pag sinabi ko kasing wala kayong pake susugurin na naman ako ni author :() "hey, pwede bang civilian na lang ako o sadyang P.E ngayon?"
"Civilian ka muna, di ka pa naman nakakakuha nang P.E."
"Hala? anong nakakakuha? babayaran ko na yung P.E pag ako bumili, hindi ko na kukuhanin yun no?! masyadong madami ka nang nalibre sakin, tama na yun."
"I can buy anything for you, basta ako na bahala di na muna kita rereplyan papasok na ko byee." Di ko na din siya nireplyan dahil alam ko naman o nating lahat na blockmailer yan kaya talo lang din ako diyan, jeans nalang ulit tapos sphagetti top, favorite ko kasi magsuot nang ganun, pero color violet naman, haha, favorite ko kasi violet e, yan ah! medyo dumadami na ang alam niyo tungkol sakin, o siya tama na dada, papasok na ko nang school, syempre super lapit lang nang school sa bahay mga ilang kembot lang andun ka na, nasa kalagitnaan na ko nang daan nang biglang tumawag si alvin "aaralyn, sorry di kita nasundo, nagmomove-on pa kasi ako dun sa nangyari kahapon, I'm sorry talaga."
"Okay lang, di ko rin naman ineexpect na susunduin mo ko matapos nang nangyari kahapon." Aba at may nalaman pang move on move on kahit di naman naging kami, masyadong paapekto, hmp! Nagbye nalang siya at inend call ko na, syempre sayang oras, nang nakarating na ko nang school, sinalubong ako ni akito, "tara aaralyn, sabay na tayo."
"Tara." may nararamdaman ako na may sumusunod sa amin, tumingin ako sa likod pero wala naman, habang naglalakad kami ay nagsalita agad si akito "aaralyn, pwede bang may itanong muna ako sayo?"
"Sige."
"A-ano kasi, ah, eh, p-pwedeng manligaw?"
"Seryoso ka ba?"
"O-, OO NAMAN."
"Sige, sige." nako kung alam mo lang kung may gusto rin ako sayo akito! AYIEEEE! kinikilig naman ako sayo e, enebe! hehehe XD "akin na muna yang bag mo dadalhin ko na sa room."
"H-hindi wag na, magmumuka ka pang alalay sa ginawa mo."
"Mahal ka naman." Pinisil ko yung tagiliran niya, pinapakilig naman kasi ako e! "aray, ansakit." level 1 panic mode haha! "s-saan masakit?"
"Dito sa labi o, pakiss nga."
"Letsugas! tagiliran mo pinisil ko hindi yang labi mo!" hinampas ko siya nang bag at lumakad papalayo sa kanya, eto naman siya kinukulit ako sunod nang sunod, "sorry na mahal, di ko naman sinasadya."
"Nako kung hindi lang talaga kita gusto, matitiis kita!" shet? pakiulit nga? narinig niya ba yung s-sinabi ko? ang tanga tanga mo talaga kahit kelan sht, mapagkamalan ka pang easy to get, "anong sabi mo? gusto mo ko?"
"Uy! tara na anong oras na magsisimula na klase pasok na tayo!" pagpapalusot ko sa kanya, siya naman ay habang naglalakad ngiting ngiti yung ngiting panalo ba. :3
BINABASA MO ANG
When It Turns In Love
RomantiekAaralyn smith-ako lang naman ang nabangga nang epal na lalake na driver nang kotse nakakainis, first day of class delay agad ako, grabe! Magbabayad ka sa ginawa mo kuya driver ng kotse. Akito jones-well, as if naman na may pag-aari akong school, ang...