Chapter 3 (Edited)

27 0 0
                                    

Clarisse POV

Excited ako para sa araw na to antagal ko tong hinintay gusto kong makita nilang okay na ko,nakita ko naman ang list ng section at kung minamalas nga naman kaklase ko siya,but I don't care nasa school ako para mag-aral at dun ako dapat magfocus, so what? kung classmates kami nakamove on na ako

*classroom.*

Nakita ko siya malapit sa pinto,mukhang nagulat naman siya ng makita ako lahat ng tao sa loob ng room nakatingin sa amin sabagay ang awkward naman talaga ng sitwasyon namin atleast hindi na sila tumitingin kagaya ng dati na para bang sinusuri kung bakit kami magjowa..narinig ko naman ang bulung-bulungan nung iba

"Oh my gosh she's more pretty now" - girl 1

"And take note she's not just pretty but, she's really gorgeous"-girl 2

"May chemistry pa rin sila ni Ethan lakae makawattpad playboy and goodgirl"

Hayys mga tao talaga sa stories lang yang opposites attract drama na yan

Hinanap ko naman agad si Marisse ang Bestfriend ko buti na lang magkaklase kami kasama niya ang boyfriend niyang si Earl na bestfriend ng aking Ex..wala namang kaso sa akin na kaibigan siya ni Ethan ayoko naman silang idamay sa problema namin atyaka si Mr.No Care yang si Earl wala siya gaanong paki sa paligid kay Marisse lang ata may paki yan

Our Prof arrange us alphabetically para sa Physics na subject Grade 12 na kami ganito pa rin to avoid cheating daw ayos lang naman sa akin na hindi ko katabi si Marisse. Muntik ko ng makalimutan na letter L was followed by letter M and it means.

" Ledesma and then Mendoza" our prof said

Magkatabi kami pero ayos lang hindi ko na lang siya papansin malamang ay ganun din ang gagawin niya.mayroong apat na rows at nasa pangatlong row kami at ako ang nasa dulo buti na lang nasa harap na upuan si Marisse di na lang ako lilingon sa gilid ko isang subject lang naman to 2 oras lang mapagtitiisan naman atyaka mabubusy din ako sa pagnonotes grabe walang pinapalampas to si Ma'am First day discussion agad transferee na lang ang nagpakilala sa harap dahil karamihan naman dito naggrade 11 at naging Prof na namin si Ma'am sa Gen Chem last year kaya kilala niya na kami at alphabetical talaga palagi ang seating arrangement hindi kami classmate ni Ethan Last year ibang section siya mayroong 5 section ang STEM at sa kamalas-malasan nga naman magkaklase kami at magkatabi pa..de bale isang subject lang naman to sana naman sa Philosophy di na Alphabetical kundi maloloka na ako..Nasa harap ko naman si Marisse kaya ayos na din

"Okay ka lang diyan" she asked

"Bakit naman hindi?" Tanong ko..tumingin naman siya sa direction ni Ethan

"Sure?" paninigurado niya

Tumango na lang ako nagsisimula na kasi ang discussion at kailangan kong makinig ng husto dahil di ako magaling sa Physics mas gusto ko ang Gen Chem de bale may Gen Chem naman kami tuwing Tuesday and Thursday..MWF ang Physics hayys pero pwede naman ako tumingin ng examples sa internet incase di ko to masyadong magets
.
.
.
.
Abala ako sa pagnonotes ng maramdaman kong may nakatingin sa akin..imposible namang tumingin siya sa akin pag-angat ko ng tingin nakita kong nakatingin nga siya sa akin tsk anong problema niya?naiirita ba siya na katabi niya ko kala naman niya siya lang..tinaasan ko lang siya ng kilay at bumalik na ulit sa pagsusulat.wala akong oras makipagtitigan sa kanya.
.
.
.
.
.
Grabe ang tagal ng oras may 30mins pa bago matapos ang klase sumasakit na ulo ko at ang kamay ko sa pagnonotes napatingin naman ako sa katabi kong natutulog na hayys di ko alam paano siya pumapasa noon dahil sa akin masyado kasi akong nagpakatanga na akala ko bilang girlfriend dapat kong gawin ang assignments niya...siguro isa sa GFs niya ang gagawa ng mga magiging assignment pero I doubt din kasi madalas puro paganda lang ang alam nila hindi sa judgemental pero karamihan ng naging girlfriend niya nasobrahan sa blush on kinulang sa IQ

Nawala ang iniisip ko ng marinig ko ang tunog ng bell..gosh was I staring at him for 30 minutes this is bad ano kayang mga sinabi ni miss?pagtingin ko sa white board may nakasulat na examples eto siguro yung diniscuss hayys bakit kasi nakatingin ako sa kanya.pinicturan ko na lang yung examples at nagligpit na ng gamit ko kailangan lumabas agad ng room dahil may ibang gagamit ng room

Watch out Mr  CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon