Chapter 5

4 0 0
                                    

Chapter 5:
Dr. Yogore's secret Laboratory

Percy's POV

"AAAHHHHHH!!" sigaw ko habang nakapikit ako.

Padulas ako sa hindi ko alam na bagay.

Lumipas ang ilang segundo ay bumagsak ako sa malambot na bagay.

Huminga ako ng malalim bago dumilat ng mata. Madilim kaya lumingon-lingon ako at may nakita akong liwanag pero hindi ganoon kaliwanag. Para bang underground tunnel.

Tumayo ako kahit nakakaramdam ng takot.

Nagsimula akong lakarin ang tunnel kahit walang kasiguraduhan ang paroroonan.

Ano ba 'tong lugar na 'to? Bakit ba kasi ako nasali sa ganito? Nakakainis naman eh.. Baka ikamatay ko pa ito o 'di kaya ipakulong ako ng Fuzz nang dahil dito.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. May nakita akong pinto pero may password.

Nang hula ako ng mga possible na password pero wala talaga eh..

Idiot Percy! Iyong journal!

Agad kong binuksan iyong journal na nasa bulsa ko.

Buklat dito. Buklat doon. Naiinis na ako sa totoo lang ah..

Any clue, Dr. Yogore. Please..

Napapahiling na lang ako sa aking isip at agad naman sinagot ang aking dalangin.

Sa likod ng journal ay may nakita akong numbers kaya agad kong sinubukan i-type.

Ilang sandali lang nang mai-type ko ang nakita kong numbers ay narinig ang biglang pagkalabog ng pinto. Ibinalik ko sa bulsa ng jacket ko ang journal.

Napa-atras ako nang pakiramdam ko ay bubukas na ang pinto at hindi naman ako nagkamali dahil bumukas ang pinto.

Alinlangan man ay pumasok pa rin ako sa loob.

Bumungad sa'kin ang maliwanag na wallpaper ng dingding dahil sa pagiging plain white nito.

Humakbang pa ako para makita ang loob. Nang pakiramdam ko'y ligtas ako ay dire-diretso akong naglakad.

Nakita ko ang mga papel na puro mathematics problem at solution.

Nagpatuloy pa ako sa paglilibot ng malaking kwarto. Nakakita ako ng isang pinto kaya wala akong alinlangan na binuksan ang pinto gamit ang password kanina at tulad kanina'y bumukas na naman ang pinto. Pumasok ako ng dahan-dahan, nakikiramdam sa maaaring mangyari.

Pagtingin ko sa harap ay nakita ko ang isang controller. Nilapitan ko iyon at hinanap agad ang sinasabing butas na hugis bituin.

Found it!

Nasa gitna at taas ito.

Tinanggal ko ang kwintas na suot ko ay dahan-dahan ipinasok sa butas ang pendant.

Nang maipasok ko na sana ang pendant sa butas ay---

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"

****************************

Author's Note: The Imitate's readers, sorry kung maikli lang ang na-update ko pero bawi naman ako nung mga unang chapter 'di ba? Bawi na lang ako sa next chapter.

The ImitateWhere stories live. Discover now