Chapter 9

4 0 0
                                    

Chapter 9:
Second thought

Percy's POV

"Percy, anong plano?" tanong ni Matt sa'kin.
"Bakit ako ang tinatanong mo?"
"Kasi mas pinagkakatiwalaan ka ni Professor YG. Right, Professor?"
"Tama." sagot naman ng hologram na si Professor YG.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Teka, Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit dito?" tanong ni Matt.
"Personal reason."
"Okay. I respect that." sabi ni Matt.
"I need to go. Baka late pa ako sa school." sabi ko sa kanya.

Tumango lang si Matt at umalis na ako ng secret laboratory.

Nang makarating ako sa Cyrish ay agad akong nagpalit ng sapatos at nagtungo sa room ko.

Umupo ako sa upuan ko at nakita ko si Emily na naka-ngiti sa'kin.

"Ayiieee.. Ang sweet nila." asar ni Mark.
"Umamin ka na kasi kay Ana para hindi ka naiingit diyan." asar ko naman sa kanya.
"Not now." sabi nya na seryoso.

Nagkibit-balikat na lang ako.

Kinabukasan

Pumasok ako. Bago pumunta sa room ay nagpalit muna ako ng sapatos tulad ng dati.

Nagturo ang mga teacher namin tulad noon at nang magrecess ay sumabay sa'kin si Emily. Lunch box at ginawan nya din ako. Sweet Girlfriend.

"Sya pala ang personal reason mo."

Napatingin ako sa taong nasa gilid ko.

"Anong ginagawa ni Matthew Evans dito? Graduated na sya, di ba?" narinig kong tanong ng classmate ko sa isa ko pang classmate.
"Magkakilala sila?" tanong pa nung isa.

"Anong ginagawa mo dito, Matt?" tanong ko sa kanya.
"Just helping the teachers. Naging school ko din naman 'to baka nakakalimutan mo." sabi nya.

Tumingin ako kay Emily na para bang nagtataka.

"Maya na tayo mag usap." sabi ko sa kanya.

Nagkibit-balikat sya sabay talikod samin.

"May problema ba?" tanong ni Emily sa'kin nang maka-alis si Matt sa room namin.
"Wala." pilit pa akong ngumiti para hindi halata.
"Sure ka?" paninigurado nya.

Tumango ako bilang sagot at pinagpatuloy namin ang pagkain.

Nagkamali ako. Hindi na ako sasali sa plano nila. Gusto ko ng normal na buhay. Gusto ko ng tulad ng dati kong pamumuhay.

Pumunta ako sa laboratory. Naabutan ko si Matt na nakaupo sa harap ng computer. Naka-suot ng itim na polo.

"Good afternoon, Percy."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

"Good afternoon din, Professor YG." bati ko.

Pagkabalik ko ng tingin kay Matt ay nakatingin na sya sa'kin.

"Ayoko na. Hindi na ako makikisali dito." bigla kong sabi.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Matt.
"I want to get out of this sh*t." sabi ko sabay talikod.
"Ayaw mo bang protektahan ang mga ka-klase mo, mga kaibigan mo, pamilya mo, at ang pinakamamahal mo?" tanong ni Matt.

Nilingon ko si Matt.

"Paano mo po-protektahan sina Mark, Ana, Mr. & Mrs. Arellano, at Emily kung ngayon pa lang susuko ka na?" tanong ni Professor YG.
"A-anong ibig nyong sabihin?" nauutal kong tanong dahil sa takot.
"Percy, marami ng nagbabago. At kahit kailan hindi ka na makakabalik sa dati. Dalawa lang pipiliin mo, ang ipagpilitan ang sarili mo na bumalik sa dati o baguhin ang mundo na 'to!" sabi ni Matt.

The ImitateWhere stories live. Discover now