Chapter 10

2 0 0
                                    

Chapter 10: O-Plan

Percy's POV

Nasa van kami ni Matt kung saan nasa hindi kalayuang lugar sa R. D. U. G main headquarter.

"Ayos ba ang katawan mo?" tanong ni Matt.
"Oo, nagtraining ako." sagot ko.

Dalawang linggo akong nag-training bago kami sumabak dito.

"Tanda mo pa kung paano gamitin ang mga weapon mo?" tanong nya sa'kin.
"Oo. Basta kailangan ko ng back up mo kapag may nangyari sa'kin." sabi ko sa kanya.
"Don't worry, Percy. I will be your back up." sabi nya.

Tumango ako at isinuot ang itim na leather cloves sa mga kamay ko at ayos ng mask sa bibig sabay labas ng van. Hindi ko suot ang eyeglass ko pero suot ko ang contact lense ko.

Mabilis ang takbo ko, walang ingay na maririnig na para bang kasing bilis ng kidlat at para bang hangin. Malapit na ako sa nakita namin ni Matt nung nakaraan na pwede kong daanan. Dahan-dahan kong binuksan 'yon at pumasok.

"Percy, gamitin mo 'yong magnet handlers para makababa ka." instruction ni Matt na naririnig ko sa earbuds.

Nilabas ko sa bag ko ang magnet handlers at idinikit sa dingding para makababa.

Sinabi nya ang mga dapat kong daanan para makarating sa secret headquarter ng R. D. U. G..

Paano namin nalaman ang tungkol doon? Dahil kay Professor YG, nagtrabaho sya bilang assistant ng head scientist ng R. D. U. G. kaya kahit papaano ay may nalalaman kami sa pasikot-sikot ng headquarter nila.

Nagtataka nga ako eh..

Bakit may secret headquarter sila? May tinatago ba ang R. D. U. G. na dapat hindi namin malaman?

Sa ngayon ay nagapang na ako para makarating sa document room kung saan naroon ang mga files ng R. D. U. G..

"Konti na lang, Percy. Makakarating ka na sa document room." sabi ni Matt sa kanilang linya.

Ilang sandali lang ay biglang nagsalita si Matt.

"Percy, nasa baba mo na ang document room." sabi ni Matt kaya agad kong binuksan ang pwede kong labasan.

Nasa dingding ako kaya madali ang makababa. Tinago ko ang magnet handler at kinuha ang isang powder. Hinipan ko ang powder at nagsilabasan ang mga laser.

"Matt, may laser detector device. Paki-deactivate naman." sabi ko kay Matt.

Walang sumagot sa kabilang linya pero ilang sandali ay nagkurap-kurap ang laser hanggang sa nawala na ng tuluyan. Agad akong bumaba.

"Percy, hanapin mo ang pinaka important document agad. May 5 minutes ka lang para mahanap ang dapat mahanap bago mag-activate ulit ang laser detector device." sabi ni Matt.

Nagmamadali akong naghanap ng document nang mai-set ko sa 5 minutes ang wristwatch ko.

Ngunit ni wala akong mahanap na importanteng documents. Puro mga document ng pera.

Teka! Ano 'yon?

May nakita akong folder na nasa isang circle table. Dahan-dahan akong lumapit at inabot ang folder nang biglang umilaw ng pula ang paligid ng kwarto kasabay nun ay ang pagtunog ng alarm.

"Freeze!" sigaw ng taong iniluwa ng pinto na may hawak na baril.

Napa-atras ako pero agad kong sinugod ang taong may hawak na baril na sa tingin ko'y isang fuzz. Hinila ko ang kamay n'yang may hawak na baril ay binali ang pulsuan nya kaya nabitawan nya ang baril nya, napasigaw pa sa hiyaw ang fuzz marahil sa sakit. Kinuha ko ang baril nya.

Buti na lang at naka-mask ako saka wala akong eyeglasses kaya hindi ako mamumukhaan.

"Matt, open all doors. I need to escape here." sabi ko kay Matt.
"Okay, Percy. Just go to the right and I will open all doors there and I will instruction you kung saan ka pupunta palabas." sabi ni Matt.

Agad akong tumakbo pakanan. Dire-diretso ang takbo ko. Nakarinig ako ng putok ng baril sa likod ko buti na lang ay naka-iwas ako. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang limang fuzz na hinahabol ako. Pinagbabaril ko sila sa paanan nila para hindi nila ako mahabol.

Nakita ko ang pagkadapa ng dalawang lalaki kaya agad akong tumakbo.

"Percy, malapit ka na sa labas." sabi ni Matt sa earcom.

Mas binilisan ko ang takbo.

Nang nasa labas na ako ay napahinto ako dahil nakita ko ang limang fuzz.

Sh*t! Sh*t! Sh*t! SH*T!

"Patayin 'yan! Dapat hindi malaman ni General Butler kundi tayo papatayin n'ya." sabi nung isa.

Sumugod ang isa kaya agad kong binalibag ng malakas para hindi na makabangon agad. Sumugod naman ang isa kaya binaril ko sa paa. Napahiyaw sya sa sakit.

Hindi ko namalayan ang pagsunod ng isa kaya nasuntok nya ako sa mukha. Napa-atras ako at ang isa naman ay tinutukan ako ng baril buti na lang at naka-iwas ako pero nadaplisan ang kanang braso ko.

Agad kong sinugod ang bumaril sa'kin. Tinanggal ko ang kaliwang cloves ko at pinisil ang nerve na magpapawala ng malay sa kanya.

Biglang sinagasaan ng isang van ang tatlong fuzz.

"TAKBO AT PUMASOK KA NA DITO!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw. Si Matt.

Agad akong tumakbo at pumasok sa loob ng van.

"Matt, i-booster mo na para hindi nila tayo maabutan at i-invisible mo na din kapag nakalayo tayo." utos ko kay Matt.

Agad na ginawa ni Matt ang sinabi ko. Nang mag-invisible ang van ay nagsalita si Matt.

"May nakuha ka ba?" tanong niya.
"Meron, ito-- Sh*t! Nasaan na 'yon?" tanong ko bigla ng malaman kong wala na sa kamay ko ang folder.
"ANO?! Wala tayong napala ni isang document wala? Ano ba naman 'yan, Percy?" himutok ni Matt.
"Sorry, Matt." apologize ko.

***********************************

Second Person's POV

Mabilis ang pagtakbo ko papunta sa bahay ng Arellano kung saan nakatira si Percy Daniel Arellano para mailagay sa study table nya ang papel na nilalagyan ko ng malalalim na salita.

Binasa ko ulit ang nilagay ko sa papel.

Good job! Just do it.
And don't regret about it.

At inilagay ko na sa study table na 'yon nang makapasok sa kwarto nya using his slide window. Nang mailagay ko na ay agad akong lumabas ng kwarto nya.

"Tara na, Justice." tawag ko sa kasama ko gamit ang alyas nya.
"Bukas ay malaking pasabog na balita ang mangyayari." sabi nya at mabilis na tumakbo at nagtatalon sa mga bubong ng bahay.

The ImitateWhere stories live. Discover now